Mga impormasyon sa mga edad ng bata
18 buwan hanggang 36 buwan (3 taon)
PAGKABUO NG PAKIKIPAGKAPWA – EMOSYON
18 BUWAN HANGGANG 36 BUWAN (3 TAON)
Paano natututo ang mga bata tungkol sa kanilang damdamin at relasyon?
- I-download ang PDF na bersyon ng sungguniang naipi-print na ito
- Pakinggan ang audio file na ito para mapakinggan ang tungkol sa mga halimbawa ng paano natututo ang mga bata tungkol sa kanilang damdamin at relasyon para sa lahat ng edad 18 buwan hanggang 36 buwan (3 taon) kasunod ng talakayan ng grupo ng magulang
- Panoorin ang video file na ito para mapanood ang mga halimbawa ng paano natututo ang mga bata tungkol sa kanilang damdamin at relasyon para sa lahat ng edad 18 buwan hanggang 36 buwan (3 taon) kasunod ng talakayan ng grupo ng magulang
Pagkabuo ng Pakikipagkapwa – Emosyon Panimula
Paano nag-iisip ang mga bata at namamahala sa
- kanilang sarili,
- kanilang pakiramdaram at pag uugali, at
- kanilang relasyon
… ay tinatawag na panlipunan-emosyonal na pag-unlad
Ang pag-unlad ng mga kakayahang ito ay mahalaga tagumpay ng mga bata sa pag-aaral tulad ng ibang mga kakayahan, tulad ng wika at pagbasa at pagsulat at matematika.
… Sa panahon ng unang limang taon ng bata ay natututo kung paano
- pangasiwaan ang kanilang sariling ugali,
- kilalanin, ipahayag at pamahalaan ang kanilang nararamdaman,
- pansinin at tumugon sa pagdadala ng kanilang paraan sa pakiramdam sa iba,
- makipag-usap sa mga kaibigan,
- maging miyembro ng isang grupo, o
- paunlarin ang malapit na ugnayan sa mga matatanda, kabilang ang mga magulang, ibang miyembro ng pamilya, at mga guro.
Natututo ang mga bata sa mga kakayahang panlipunan-emosyonal na ito sa malapit na ugnayan sa mga matatanda sa pamamagitan ng tugunang komunikasyon, pagbabahagi ng mga karanasan at gabay sa pagpapalaki. Ang laro ay isa ding sentro upang tulungan ang mga bata na matuto ng mga kasanayang ito. Sa pamamagitan ng paglalaro, ang mga bata ay nagsasanay sa kanilang panlipunang kakayahan, sinisiyasat ang kanilang pakiramdam, sinusubukan ang bagong mga kaugalian at kumukuha ng katugunan mula sa iba. Ang paglalaro ay nagpapahintulot sa bata na matuto ng higit tungkol sa kanila at sa iba at paunlarin ang kanilang kakayahang pangkomunikasyon at interaksyon.
Pagkabuo ng Pakikipagkapwa – Emosyon
Panimula
Ano ang natututunan ng iyong anak tungkol sa kanyang sarili at sa kanyang nararamdaman?
Ang iyong anak na tatlong taong gulang ay nalinang na ang matibay na pagkilala sa kanyang sarili at maaaring madalas sabihin sa iyo kung ano ang gusto niya at ano ang nararamdaman niya. Sasabihin niya sa iyo kung sino ang miyembro ng kanyang pamilya at sino ang kanyang mga magulang. Malinaw niyang ipahahayag ang kanyang mga gusto at hindi gusto. Ang mga gusto niyang tao na nakapaligid sa kanya ay maaaring kabilang ang pamilya, mga kaibigan, mga guro at mga kapitbahay.
Gusto niya ang pakiramdam na kaya niyang gawin ang mga bagong bagay. “Gusto niyang siya mismo ang gumawa ng mga bagay,” kahit na mahirap ang mga iyon at naiinis siya. Ipinipilit niya na siya mismo ang magsuot ng sapatos, kahit na tumatagal ito ng 10 minuto at maging baliktad ang kalalabasan.
Kapag nakikipaglaro sa mga kaibigan, isinasama niya ang mga ideya ng ibang tao sa laro at pagbabahagi ng laruan, ngunit gusto parin nilang gumamit ng salita, “saakin,” ng madalas. Karaniwang natutuwa siya sa oras na kasama ang mga kaibigan at humihiling na magsama-sama uli sila.
Mayroon siyang mga salita upang ipahayag ang ilan sa kanyang mga emosyon (masaya, malungkot, galit, takot) at humihingi ng kaluwagan kung kinakailangan. Ang kanyang nararamdaman ay maaaring napakalaki apra sa kanya at maaaring magdulot ng pagliligalig. Makararanas din siya ng takot sa edad na ito, tulad ng pagkatakot sa mga bubuyog, mga aso at halimaw. Nagsasanay siya sa pakiramdam at maaaring “magkunwari na umiiyak” kung siya ay naglalaro na sangkot ang lungkot. Titingnan din niya ang kanyang mukha sa salamin kung sya ay nagsasanay sa pakiramdam upang makita niya kung ano ang hitsura ng nararamdaman niya.
Nagpapakita siya ng kaalaman sa pakiramdam ng iba at nag-aalok ng pang-aaliw sa pamamagitan ng pag yakap o pagdadala sa kanyang kaibigan ng paboritong laruan. Minsan ay nakikiramay din siya sa iba, ngunit mas parang kaawa-awa kung wala siyang malaking nararamdaman sa kanyang sarili.
Madalas niyang gagamitin ang kanyang laro upang magsanay sa tunay na pangyayari sa buhay na kanyang naranasan, tulad ng pagpunta sa doktor o pagpagpunta sa tindahan ng groseri. Ang ganitong laro ay nakatutulong sa kanya na maunawaan ang pangyayari at magbigay sa kanya ng kakayahang umunawa at paghula tungkol sa kanyang buhay.
Ano ang kanyang natututunan tungkol sa ibang tao at relasyon?
Ang iyong 36 taong gulang ay nalinang na ang ilang mga kakayahan sa paglalaro sa ibang mga bata, gamit ang parehong uri ng mga laruan, ngunit bawat isa ay nalalaro ng kanilang sariling laro. Sa ibang oras siya ay tutugon, nagsasalita at naglalaro kasama ang iba. Gusto niya ng “pagkukunwari” na laro at nagkukunwari na siya ay aso o sanggol at nakapagbibigay ng simpleng tagubilin sa kanyang mga kaibigan, “Matulog ka na ngayon, anak.” Gagayahin niya ang mga kaibigan gayundin ang mga matatanda upang matutunan ang bagong asal at kakayahan. Minsan isinasama niya ang mga ideye ng ibang bata sa paglalaro at ibinabahagi ang laruan, ngunit madalas gusto parin gustong gumamit ng salita, “sa akin.” Karaniwan ay natutuwa siya sa oras kasama ang kaibigan at humihiling na magkasama-sama sila.
Nakikibahagi siya sa simpleng paglilinis na gawain, lalo kung ang matanda ay nagtatrabaho kasama niya.
Kung siya ay nagkaroon ng karanasan bilang nasa childcare, karaniwang siya ay ayos lang na iwan. Ang ilang mga bata ay umiiyak parin sa ilang minute kapag umalis ang mga magulang, ngunit sa susunod ay sasali sa mga laro.
Narito ang ilang mga tip upang tulungan ang iyong anak na matuto tungkol sa kanyang sarili bilang tao, matuto tungkol sa ibang tao at matuto tungkol sa kanyang pakiramdam:
Pag-aaral tungkol sa kanyang sarili bilang tao
- Himukin siya na gawin hangga’t kaya niya na gusto niyang gawin. Gustong gusto ng maliliit na mga bata na makibahagi, matuto ng mga bagong kakayahan at maramdaman na sila ay tumutulong. Maaari siyang.Maaaring matagalan upang gawin niya ang mga ito sa kanyang sarili, ngunit ang pagbibigay ng ganitong klase ng oras sa kanya ay nagpapahintulot na isipin mo na siya ay may kakayahan at nagbibigay sa kanya ng pagsasanay sa kanyang bagong kakayahan.
- Magbihis at maghubad sa sarili, pagsilbihan at pakainin ang sarili, maglagay ng kanyang tubig mula sa maliit na pitsel sa tasa, tumulong sa paghuhugas ng mga gulay, tumulong upang iayos ang mesa, itago ang kanyang mga laruan o tumulong linisin ang mga bintana.
- Kapag sinabi niya na, “hindi,” o ayaw gawin ang gusto mong gawin iya, tandaan na siya ay nagsasanay na mag-isa. Kahit na kailangan mo siyang pigilan o magtakda ng limitasyon sa kanya, hindi mo dapat ipaalam sa kanya na nauunawaan mo na siya ay may magandang ideya.
- “Pipigilan kita na umakyat sa estante.” (pisikal na limitasyon)
- “Kaya mo bang bumaba mag-isa o tutulungan kitang bumaba?” (limitadong pagpipilian)
- “Interesado ka ba sa pag-akyat o sinusubukan mo na kumuha ng aklat?” (hinahanap ang magandang ideya)
- “Ang estante ay hindi permanente at maaaring bumagsak kapag umakyat ka dito.” (binibigyan siya ng impormasyon)
- “Kung gusto mong umakyat, subukan natin na umakyat sa labas. Kung gusto mo ng aklat, tutulungan kita na ibaba ito.” (pag-aalok ng mga pagpipilian at ibang paraan sa pagpapahayag ng ideya)
Pag-aaral tungkol sa sariling nararamdaman
- Tulungan siya na maunawaan ang kanyang nararamdaman sa pamamagitan ng pagbibigay ng pangalan ng mga iyon.
- “Mukhang nalulungkot ka.”
- “Nakakainis kapag sinubukan mo na isuot ang iyong sapatos at dumikit ito.”
- “Nakikita ko kung gaano ka natutuwa na pumunta sa park.”
- Tulungan siya na malaman kung ano ang nangyari sa nararamdaman.
- “Nahulog ka. Gusto kong malaman kung nasaktan ka at bahagyang natakot.”
- “Kapag nagpapaalam ka sa iyong mama, minsan nalulungkot ka.”
- “Mukhang masamaya ka kapag naglalaro kayo ng iyong kapatid.”
- Tanungin siya tungkol sa nararamdaman.
- “Ano ang nararamdaman mo ngayon?”
- “Tingnan mo ang lalaki sa aklat. Ano sa tingin mo ang nararamdaman niya?”
- Tulungan siya na humanap ng ligtas na mga paraan upang ipahayag ang kanilang nararamdaman.
- “Kung ikaw ay galit maaari mong sabihin sa iyong kaibigan na, ‘Galit ako.’”
- “Kung galit ka at gustong saktan ang isang bagay, maaari mong saktan ang unan na ito.”
- Maaari mo rin gamitin ang mga aklat tungkol sa mga nararamdaman o mga larawan na nagpapakita ng mga nararamdaman upang pangalanan at pag-usapan ang tungkol sa nararamdaman ng mga bata.
- Maglagay ng salamin na kapantay ng iyong anak. Maaaring maging interesado siya na tingnan ang kanyang mukha kapag mayroon siyang tiyak na nararamdaman, o nagsasanay gumawa ng iba’t ibang pagpapahayag sa nararamdaman.
- Kapag takot ang iyong anak, manatiling malapit at aliwin. Minsan, ayaw ng iyong anak na alisin sa nakakatakot na sitwasyon, ngunit gusto niya na nandoon ka para tumulong. Kung siya ay takot sa mabait na aso ng iyong kapitbahay, maaari kang umupo ng bahagya malapit sa kanya, hawakan siya at pag-usapan ang tungkol sa aso. Madalas, ang iyong presensiya at ilang mga impormasyon at ligtas na interaksyon ay makatutulong sa kanya na maramdaman na hindi masyadong matakot. Kung gusto niyang lumayo, kunin mo ang pahiwatig sa kanya. Minsan ang pagkuha ng larawan ng nakakatakot na bagay at hayaan na hawakan ng iyong anak at pag-usapan ang tungkol sa larawan ay makakatulong sa kanyang takot.
- Ipaalam sa kanya na ang lahat ng kanyang nararamdaman ay malusog at makikinig ka at tatanggapin ang kanyang mga nararamdaman.Nagpapahintulot ito upang ipagkatiwala sa iyo ang kanyang nararamdaman at hindi maramdaman na kailangan niyang itago ang kanyang nararamdaman mula sa iyo.
Pag-aaral tungkol sa ibang tao
- Magdahan-dahan sa mga bagong sitwasyon upang tulungan ang iyong anak na masanay sa bagong kasama. Kung ang kaibigan ng pamilya ay mag-aalaga sa kanya kung ikaw ay aalis, anyayahan siya na dumating bago ang isang araw o dalawang oras bago ka umalis, mas magiging komportable siya kapag ikaw ay umalis.
- Kung ang iyong anak ay nagsimula sa childcare, tiyakin na mayroon siyang oras upang kilalanin ang bagong tagapag-alaga at ang pagsasaayos.
- Bisitahin ng ilang oras at manatili sa kanya upang masuri niya kasama mo habang siya ay nagsisiyasat sa bagong pagsasaayos.
- Kinalalanin mo mismo ang bagong tagapag-alaga, upang maging payapa ka na iwan ang iyong anak sa kanila.
- Sanaying iwanan ang iyong anak sa mas maikling panahon sa una, upang matutunan niya na ikaw ay babalik.
- Magbigay ng pagkakataon upang makipaglaro siya sa ibang bata. (sa park, kasama ang mga kapitbahay o pamilya, sa childcare o klase ng magulang/bata)
- Tandaan na habang siya ay maaaring natutuwa sa ibang mga bata, hindi niya laging alam kung paano makipaglaro sa kanila, at maaaring magkaroon ng hindi pagkakasundo sa mga laruan o tumangging sumali sa pakikipaglaro.
- Ang pagbabahagi ay maaaring mahirap sa ganitong edad. Ang paglalaro sa mga niyutral na lugar tulad ng park, dalampasigan, o sa bakuran ay nakapuputol sa ilang mga hindi pagkakasundo tungkol sa laruan. Ang paglalaro ng tubig at buhangin na may ilang tabo at lalagyan ay nagbibigay ng pagkakataon sa masayang paglalaro ng mga kaibigan.
- Bantayan siyang mabuti sa ganitong edad kapag siya ay nagkikipaglaro sa ibang bata. Maaaring kailanganin niya na ipahayag ang kayang mga ideya at nararamdaman at makinig sa mga ideya ng iba at magsagawa ng mga solusyon.
PAGBUBUO NG PANANALITA AT KARUNUNGANG BUMASA AT SUMULAT
18 BUWAN HANGGANG 36 BUWAN (3 TAON)
Paano natututong magsalita ang mga bata?
- I-download ang PDF na bersyon ng sungguniang naipi-print na ito
- Pakinggan ang audio file na ito para mapakinggan ang tungkol sa mga halimbawa ng paano natututo ang mga bata tungkol sa lengguahe para sa lahat ng edad18 buwan hanggang 36 buwan (3 taon) kasunod ng talakayan ng grupo ng magulang
- Panoorin ang video file na ito para mapanood ang mga halimbawa ng paano natututo ang mga bata tungkol sa lengguahe para sa lahat ng edad 18 buwan hanggang 36 buwan (3 taon) kasunod ng talakayan ng grupo ng magulang
Buod ng Lengguwahe at ng Kakayahang Bumasa’t Sumulat
Ang mga bata ay isinilang na handang makipag-usap at matuto ng lengguwahe. Sa pakikinig sa mga usapan ng kanilang pamilya, sa kalaonan masisimulang tukuyin ng mga bata ang mga pamilyar na tunog at bumuo ng mga bukabyularyo ng mga salita na naiintindihan nila, bago pa sila makapagsalita. Ang kakayahan ng mga bata na makaintindi ng lengguwahe ay tinatawag na “receptive language.”
Sa una, ang mga sanggol ay nakikipag-usap sa pamamagitan ng paggawa ng mga tunog, hal., pag-iyak, at sa pamamagitan ng mga galaw. Sa paglapit nila sa edad na bagu-bago pa lamang maglakad, nagsisimula silang gumamit ng mga ilang salitang pamilyar at, sa 4 at 5 taon, marami na silang bokabularyo at nasusunod na ang mga panuntunan ng gramatika kapag sila’y nakikipag-usap gamit ang lengguwahe. Ang kakayahan ng mga bata na gumamit ng lengguwahe upang masabi ang kanilang mga iniisip, ideya, at pakiramdam ay tinatawag na “expressive language” (o makahulugang pananalita).
Habang natututo ang mga bata ng mga salitang binibigkas , sila din ay natututo ng mga nakasulat na salita– sa pamamagitan ng mga libro, signs, at mga sulat. Bago matuto na magbasa ng mga salita, natututunan ng mga bata na ang mga nakasulat ay mga kumakatawan sa mga salita at bago magsulat, sila ay natututong gumawa ng mga marka at gumuhit ng mga larawan. Sa oras na sila’y tumungtong sa 5 taon, maiintindihan nila na binubuo ng mga letra ang mga salita at ang mga salita ay makakagawa ng mga kuwento na matututunan nilang basahin. Maraming mga 5 taong gulang na nakakabasa at nakakasulat na rin ng kanilang sariling pangalan.
Pagbubuo ng Pananalita at Karunungang Bumasa at Sumulat
Panimula
Paano natututo ng wika ang iyong mga anak?
- Sa ikatlong taon ng buhay, ang mga bata ay kaya ng sabihin ang kanilang mga kailangan nang maliwanag sa pamamagitan ng wika gamit ang simpleng mga pangungusap at malinaw na pagbigkas. Napakabilis nilang matuto ng mga bokabularyo at madaling gumamit ng bagong mga salita na naririnig nila na sinasabi mo. Kaya na nilang gamitin ang wika upang sabihin kung ano ang nangyari sa nakalipas at ano ang nais nilang gawin. Gamit ang kanilang mas malinaw na pananalita nakikipag-usap sila sa kanilang mga kaibigan at mga tao sa labas ng kanilang pamilya.
- Ang pag-uusap ay maaaring maging ganito:
- Bata: Gusto kong pumunta sa park. Natatandaan mo ba na nakakita tayo ng aso sa park?
- Magulang: Oo, yung aso na sumunod sayo at dinilaan ang iyong kamay.
- Bata: Nakakiliti yun sa aking kamay. Maaari ba tayong bumalik sa park para makita ang aso?
- Marami sa mga bagay na ginawa mo na sa iyong anak ay nakatulong sa kanya na matutong magsalita. Ang mga kapamilya ay likas na pinag-uusapan ang mga nangyayari ngayon sa mga bata. Ito ay nakatutulong sa mga bata upang iugnay ang mga salita sa mga bagay at mga karanasan na mayroon sila.
Pag-unlad ng Wikang Bilingguwal
Paaano natututo ng wika ang mga bata sa bilingguwal o hindi nagsasalita ng Ingles na pamilya?
- Ang mga bata ay napaka dalubhasa sa pag-aaral ng wika at may kakayahan na matutunan ang dalawa o higit pang mga wika kahit na bago sila magsimulang mag-aral.
- Ang mga pamilya na nagsasalita ng wika sa bahay bukod sa Ingles ay maaaring gamitin ang kanilang sariling wika bilang kanilang pangunahing wika sa kanilang mga anak. Ang pag-aaral sa kanilang sariling wika ay nakatutulong sa mga bata na maramdamang konektado sa kanilang pamilya at kultura. Maaari din silang matuto ng Ingles kapag ang pamilya ay bilingguwal o maaari silang matuto ng Ingles kapag nagsimula na sila sa childcare o paaralan.
- Sinusuportahan ng pamilya ang pag-aaral ng wika sa pamamagitan ng pagsasalita, pagbabasa o pagkanta sa kanilang mga anak gamit ang sariling wika. Sa ganitong paraan natututo ng maraming kasanayan sa wika ang mga bata na makatutulong sa kanila kapag nagsimula na silang mag-aral ng Ingles.
- Tingnan ang iyong lokal na aklatan para sa mga aklat sa iyong sariling wika.
- Ang mga batang may ganitong oportunidad na maging bilingguwal sa batang edad ay makikinabang mula sa paggamit ng parehong wika sa buong buhay nila.
Nauunawaang Wika
Ano ang pagkaunawa ng aking anak?“Ang Nauunawaang wika” ay tumutukoy sa mga salita na naririnig at nauunawaan ng mga bata. Nauunawaan ng mga bata ang maraming salita kaysa sa mga nasasabi nila.
- Ang pagkikinig sa iyong sinasabi sa kanila ay nakatutulong sa kanila na matuto ng mga salita.
- Ang mga bata ay nakikinig sa mga salita na direktang sinasabi sa kanila gayundin ang pakikipag-usap na nangyayari sa kanilang paligid.
- Binibigyang pansin din nito ang tono ng wika at sa edad na tio ay nagsisimulang unawain ang kahulugan ng tono gayundin ang mga salita. Halimbawa, maaari nilang mapansin kapag ang tono mo ay natutuwa, nagigiliw, bigo, o natatakot at sa huli ay matututunan kung paano gamitin ang tono sa kanilang sarili.
- Nauunawaan ng mga bata ang 2-hakbang sa paghiling. “Maaari mo bang kunin ang kumot upang ikumot sa sanggol?” “Pakiusap ilagay mo ang mangkok sa dishwasher at punasan mo ang iyong mukha.”
- Marami sa mga bagay na nagawa mo na sa iyong anak ay natutulong sa kanya na matutong magsalita. Ang kapamilya ay likas na pinag-uusapan ang nangyayari sa ngayon, ano ang nangyari sa nakaraan at mga bagay na mangyayari sa hinaharap kasama ang mga bata. Makatutulong ito sa mga bata na iugnay ang mga salita sa mga bagay at karanasan na mayroon sila.
Wikang Nagpapahayag
Komunikasyon: Pagsasalita at pagbabasa
“Ang wikang nagpapahayag” ay kabilang ang lahat ng mga tunog at salita na nagagawa ng bata.
- Ang maliliit na bata ay maraming salita upang sabihin ang kanilang nararamdaman, pangangailangan at ideya na maaaring maintindihan ng mga kaibigan at ibang tao sa labas ng kanilang pamilya.
- Sila ay nagsimula ng matuto ng mga panuntunan ng pagsasalita, ngunit nagkakamali parin. Halimbawa, “He goed to store.” “There are two mans in the car.”
- Ang mga maliliit na bata ay nakikisali sa maiikling usapan at nagkukwento tungkol sa nakaraan at hinaharap.
- Gumagamit ang maliliit na bata ng wika sa kanilang paglalaro upang ibahagi ang kanilang mga ideya, “tulog na sanggol,” “Ito daddy, gumawa ako ng cookies para sa hapunan.”
- Ang mga maliliit na bata ay interesado sa mga aklat. Nasisiyahan sila na maglaan ng oras kasama o maupo ng sarili, buklatin ang mga pahina at sabihin ang mga bahagi ng kwento mula sa kanilang alaala. Maaari din silang magkunwari na basahin ang aklat sa kanilang mga manika o laruang hayop.
- Nanonood sila kapag binasa mo, inilipat ang mga pahina, itinuro ang mga larawan, binibigyan ng pangalan ang mga bagay sa aklat at minsan ay sasabihin saiyo kung ano ang mangyayari sa susunod.
- Gusto ng mga bata na kumanta at madalas ay alam ang mga bahagi ng kanta na kinakanta nila habang sila ay naglalaro.
Narito ang ilang mga tip upang makatulong sa pag-unlad ng wika ng iyong anak at interes sa pagbabasa:
- Sabihin sa iyong anak kung ano ang iyong ginagawa , at gagawin.Mas natututo ang bata ng wika kapag ito ay kaugnay sa kanyang nararanasan
- “Ilalagay ko ang mga aklat na ito sa istante. Maaari bang iabot mo saakin ang mga iyon?”
- “Kukunin ko ang aking sapatos para isuot. Hanapin mo nga ang saiyo?”
- “Gumawa ako ng ensalada para sa tanghalian. Naghiwa ako ng mga pipino at kamatis para ilagay dito.”
- Kapag nagpapakita ang iyong anak ng interes sa isang bagay, magbigay ng mga salita na naglalarawan kung saan sila interesado. Mas interesado ang iyong anak sa mga salita na naglalarawan sa kanyang mga interes.
- “Nakatingin ka sa trak ng basura. Nakikita mo ba ang bahagi na kumukuha ng mga lata ng basura?”
- “Tumingin ka sa langit. Narinig mo ba ang eroplano na lumilipad? Humihina ang tunog. Maaaring malayo na ang eroplano ngayon…”
- “Bawat oras na binabasa natin itong aklat, dumidiretso ka sa pahina na may uod. Maaaring iyon ang iyong paboritong pahina. Ano ang gusto mo tungkol sa uod?”
- Pag-usapan kung ano ang ginagawa ng iyong anak. Ito ay katulad ng “ipakita at sabihin.” Sa oras na maramdaman ng iyong anak ang isang bagay, natututunan nila ang mga salita upang pag-usapan ito.
- “Itinulak mo ang trak pataas sa burol at pinabayaan ito. Bumaba ito sa burol ng kanya!”
- “Ginagamit mo ang gilid ng krayola sa papel.” Gaano kalaki ang marka?
- Pag-usapan kung ano ang ginagawa mo. Ito ay katulad ng “ipakita at sabihin.” Sa oras na makakita ang iyong anak ng isang bagay, natututunan nila ang mga salita upang pag-usapan ito.
- “Nagpapadala ako ng email sa lola upang ipaalam sa kanya na susunduin natin siya sa estasyon ng bus.”
- “Naglalagay ako ng karagdagang mga damit sa iyong backpack kung sakaling kailangan mong magpalit sa paaralan.”
- “Bibigyan kita ng 5 kisses. Bilangin natin sila.”
- Gumamit ng maraming salitang naglalarawan. Ito ang paraan upang makabuo siya ng bokabularyo
- “ Ang iyong paboritong kumot ay berde at asul at madilim at nababalutan ng mga bituin.”
- “Napakaraming gulay sa iyong kanin. Masustansiya sila. Tumutulong sila upang lumaki kang malakas at malusog.”
- Pag-usapan ang nalalapit na hinaharap. Nagbibigay ito ng pagkakataon sa mga bata na magkaroon ng pangkaisipang paglalarawan kung ano ang mangyayari bago ito maganap.
- “ Mamaya ay oras na para isuot mo ang iyong sapatos, kapa at sombrero upang maabutan natin ang bus.”
- “Pagkatapos ng programang ito, kukunin natin ang ating kariton para makapunta na tayo sa tindahan at bumili ng pagkain para sa hapunan.”
- ” Bukas ng umaga, gigising tayo ng maaga upang gumawa ng cupcake para sa kaarawan ng iyong kapatid.”
- Pag-usapan ang kamakailang nakaraan. Nagbibigay ito ng pagkakataon sa mga bata na linangin ang kanilang pangkaisipang paglalarawan – ang alaala kung ano ang nangyari.
- “Noong nandito si Nana, binasahan ka niya ng paborito mong aklat at tinuruan ka ng bagong kanta. Natatandaan mo ba ito?”
- “Noong nagpaalam ako saiyo sa paaralan noong umaga umiyak ka ng kaunti at sinabi ng iyong guro na naglaro ka ng playdough.”
- “Umalis ka para makipaglaro sa iyong bahay ng iyong kaibigan na si Tori noong isang linggo. Dadating siya dito sa ating bahay ngayong hapon para makipaglaro.”
- Maglaan ng mga aklat para sa iyong anak. Ang pagbibigay ng aklat sa iyong anak ay nagtuturo na pahalagahan ang mga aklat at magbasa.
- Ang pagpunta sa silid-aklatan ay nagbibigay kasiyahan na paglabas at nagbibigay ng malaking koleksyon ng aklat upang ibahagi sa iyong anak.
- Basahan ng aklat ang iyong anak.Ang maagang mga karanasang ito sa pagbabasa ay tumutulong sa mga bata na malaman na ang mga aklat ay naglalaman ng mga kwento, mga salita, at impormasyon para sa kanila.
- Tagalan ang pagbabasa ng mga aklat. Madalas may mga katanungan ang mga bata o ideya na nais nilang pag-usapan sa oras ng kwento.
- Tanungin ang iyong anak tungkol sa kwento. Ano sa palagay mo ang susunod na mangyayari? Anong bahagi ng kwento ang pinakagusto mo?
- Maaari mo rin na ipakita sa iyong anak kung nasaan ang titulo at sabihin sa kanila ang pangalan ng tao na sumulat ng aklat.
- Ang maagang karanasan na ito sa mga aklat ay makapagsisimula sa panghabang buhay na kagustuhan sa pagbabasa para sa ating mga anak.
- Pag-usapan ang mga larawan at aklat ng iyong anak. Ang kaalaman na ang mga larawan na iyon ay kumakatawan sa mga bagay ay unang hakbang upang matutunan ang mga titik na kumakatawan din sa mga bagay.
- “Nakikita ko ang mga bituin sa langit. Ano ang nakikita mo?”
- “Ano ang nakikita mo sa larawang ito?” (Kapag itinuro ng iyong anak, maaari mong sabihin ang pangalan kung ano ang itinuturo nila, kung hindi.)
- Ibahagi ang mga larawan sa iyong anak at pag-usapan din ang mga iyon:
- “Ito ang larawan ng iyong abuelita at ng iyong tia.”
- ” Ang larawang ito ay noong ikaw ay sanggol! Mas napakalaki mo na ngayon.”
- Maaari kang gumawa ng mga simpleng aklat para sa iyong anak gamit ang mga larawan ng mga tao at bagay na gusto niya. Ang mga aklat na ito ay makatutulong sa kanya na makita na ang mga aklat ay kumakatawan sa mga bagay na alam niya.
- Maaari mong idikit ang mga larawan sa papel, isulat ang mga salita para sa iyong kwento, ikabit, itali o iteyp ang mga pahina na magkakasama.
- Hindi kinakailangang mahaba ang kwento. Maaaring mga ilang pahina lamang. “Gusto ni Dhruv na magtayo ng mga bloke. Nagsimula siya sa ilang mga nakasalansan na bloke. Mamaya ay mayroon na siyang mataas na tore. Minsan nagigiba ito at nagsimula muli siya na itayo ito.” napakadali.
PAGKAKAINTINDI NG BILANG
18 BUWAN HANGGANG 36 BUWAN (3 TAON)
Paano natututo ang mga bata tungkol sa mga bilang?
- I-download ang PDF na bersyon ng sungguniang naipi-print na ito
- Pakinggan ang audio file na ito para mapakinggan ang tungkol sa mga halimbawa ng paano natututo ang mga bata tungkol sa mga bilang para sa lahat ng edad 18 buwan hanggang 36 buwan (3 taon) kasunod ng talakayan ng grupo ng magulang
- Panoorin ang video file na ito para mapanood ang mga halimbawa ng paano natututo ang mga bata tungkol sa mga bilang para sa lahat ng edad 18 buwan hanggang 36 buwan (3 taon) kasunod ng talakayan ng grupo ng magulang
Buod ng Pagkakaintindi ng Bilang
Ang mga bata ay tumutuklas at nagsisimulang magsanay ng mga kakayahan na kailangan para sa matematika bago pa man pumasok sa elementarya. Sa mga unang taon ng buhay, ang mga bata ay natututong magbilang, kumilala ng mga hugis at modelo, naghahambing ng mga sukat at mga dami, at kumikilala ng mga pagkakapareho at kaibahan. Nakukuha ng mga bata ang mga kakayahang ito sa pamamagitan ng kanilang pagiging mausisa at naglalaro ng mga bagay at sa pamamagitan ng mga simpleng interaksyon sa mga matatanda. Ang araw-araw na interaksyon tulad ng pagbilang ng mga daliri sa kamay at paa ng isang matanda, pagbibigay ng dalawang pirasong saging, at ang pag-aayos ng bughaw at puting medyas sa iba’t-ibang tumpok ay nagdadagdag ng kakayahan ng isang bata sa matematika. Ang mga bata ay nagsisimulang makipag-usap tungkol sa mga dami ng mga bagay gamit ang mga salitang “mas marami” at “mas malaki.”
Habang sila ay lumalaki, sila ay natututong bumilang ng ilang mga numero. Lumalaki rin ang kanilang pang-unawa ng dami sa pamamagitan ng mga aktibidad tulad ng paglagay ng mga plato at mga baso sa mesa. Nalalaman nila kung paano ginagamit ng mga matatanda ang pagbibilang sa araw-araw na buhay at matututunan kung paano gamitin ng mga numero sa pamamagitan ng paggaya sa mga matatanda. Sa kabuuan ng mga unang taon, halos lahat ng mga bata ay natural na interesado sa mga numero. Mga masasayang aktibidad na may kinalaman sa mga numero ay nagpapatibay sa natural na interes ng mga bata at humihimok sa kanila na matuto pa tungkol sa mga konseptong pang-matematika.
Pagkakaintindi ng Bilang
Panimula
Ano ang natututunan ng mga paslit tungkol sa mga numero?
Ang maliliit na sanggol ay nagsimulang magsanay sa mga kakayahan na kinakailangan para sa aritmetika at matematika bago sila pumasok sa paaralang elementarya. Karamihan sa mga kasanayang ito ay nabubuo sa pamamagitan ng kanilang sariling pinasimulan na paglalaro ng mga bagay at sa pamamagitan ng simpleng interaksyon sa mga matatanda.
- Ang mga paslit ay nagsisimulang matuto sa kakayahang magbilang sa pamamagitan ng pang-araw araw na interaksyon tulad ng paglalagay ng mga plato sa mesa, pagbibilang ng kanilang mga daliri upang sabihin saiyo kung ilang taon na sila, pagbibilang ng bilang ng basag sa plato.
- Ang mga bata sa pagitan ng 18 at 36 na buwan ay nagsisimulang magbilang ng mga bagay. Karaniwan silang natututo kung paano bigkasin ang 1-2-3-4-5 (minsan ay inilalagay ang mga bilang sa iba’t ibang ayos) bago nila malaman na ang bawat bilang ay kumakatawan sa isang bagay. Maaari nilang bilangin ang piraso ng kanilang brokuli nang hanggang 3 o apat, ngunit maaari nilang bilangin ang parehong piraso ng dalawa o malimutan ang isang piraso. Pinag-aaralan parin nila ang pagkakasunod-sunog ng mga bilang at maaaring makalimutan ang bilang, halimbawa, “1-2-4.”
- Maaari nilang hawakan ang dalawang daliri upang ipakita saiyo kung ilang taon na sila at maaari silang magbigay saiyo ng dalawang tisyu kapag hiniling mo sa kanila.
- Nagsisimula silang gumamit ng mga termino na kaunti at marami. Kapag tinanong mo sila kung nais nila ng kaunting yogurt o marami, mamimili sila.
- Maaari din nilang gamitin ang kanilang mga daliri para magbilang.
Mga tip para sa mga magulang na maunawaan ang mga bilang:
Karamihan sa mga bagay na likas na ginagawa ng mga magulang sa mga anak ay nakatutulong sa kanila na linangin ang kanilang kakayahan sa matematika at bilang. Maraming mga pagkakataon sa ating pang araw araw na buhay kung saan ang mga matatanda ay nagbibilang ng mga bagay at ang mga bata ay nagsasanay bumilang sa kanilang paglalaro. Narito ang ilang mga mungkahi na dapat gawin ng mga magulang:
- Magbilang ng malakas, upang marinig ng iyong mga anak ang pagkakasunod-sunod ng mga bilang at mapansin kung gaano kadalas ginagamit ang pagbibilang.Kapag natututo ang mga bata sa iyo kung gaano kahalaga ang mga numero sa araw-araw na buhay, lumalaki ang interes nila sa mga numero.
- Bilangin ang pagyakap mo sa iyong anak, bilangin ang mga bulaklak na pinipitas ng iyong anak, o bilangin ang bilang ng palakpak na ginagawa mo at ng iyong anak.
- Tulungan ang mga bata na magbilang ng mga bagay habang inilalagay ang mga piraso ng karot sa kanilang plato, o habang nangongolekta sila ng mga kabibi. Bilangan ang mga bagay sa harap ng mga bata. “Bibigyan kita ng 4 na piraso ng mansanas–1, 2, 3, 4.”
- Kapag may dalawang tumpok ng bloke—isa na may tatlo at isa na may apat na bloke, maaari mong tanungin ang iyong anak, “Gusto mo ba ng mas malaki o mas maliit na tumpok ng bloke? O, “Gusto mo ba ng tatlong bloke o apat na bloke?”
- Ituro ang mga bagay habang binabasa mo ang mga iyon upang makita ng mga bata kung paano ang bawat bilang na sinasabi mo ay kumakatawan sa isang bagay.
- Marami ang magiging pagkakamali ng mga bata kapag nag-aaral sila tungkol sa mga bilang. Na hindi sinasabi sa kanila na “mali” sila, “Binilang mo ang apat na ibon at tatlo lamang ang nakita ko.”Ang mga bata ay likas na interesado na gayahin ka para matuto ng mga bagay na tulad ng mga numero. Sa paglipas ng panahon, sasabihin nila ang mga bagay-bagay na tulad ng pagsabi mo at “itatama ang sarili” para mas lalong pang maging katulad mo.
- Ang pamimili, pagluluto at pagkain ay nagbibigay sa kanila ng maraming pagkakataon upang magbilang:
- “Maaari mo bang bilangin ang mga iyon habang inilalagay sa bag?
- “Sa tingin ko kailangan kong kumuha ng malaking supot ng patatas, dahil gustong gusto mo ang mga patatas,”
- “Maaari mo bang ilagay lahat ang dalanghita sa mangkok na ito at ang lahat ng mansanas sa mangkok na ito?”
- “Kailangan ko ng 2 hinugasang patatas. Maaari mo bang kunin ang mga iyon sa pridyeder at kuskusin ang mga iyon sa lababo?”
PAGLAKI NG PANGANGATAWAN
18 BUWAN HANGGANG 36 BUWAN (3 TAON)
Paano nagiging mahusay ang mga bata sa paggalaw ng kanilang mga katawan?
- I-download ang PDF na bersyon ng sungguniang naipi-print na ito
- Pakinggan ang audio file na ito para mapakinggan ang tungkol sa mga halimbawa ng paano nagiging mahusay ang mga bata sa paggalaw ng kanilang mga katawan para sa lahat ng edad 18 buwan hanggang 36 buwan (3 taon) kasunod ng talakayan ng grupo ng magulang
- Panoorin ang video file na ito para mapanood ang mga halimbawa ng paano nagiging mahusay ang mga bata sa paggalaw ng kanilang mga katawan para sa lahat ng edad 18 buwan hanggang 36 buwan (3 taon) kasunod ng talakayan ng grupo ng magulang
Panimula sa Pisikal na Pag-unlad
- Ang pasikila na pag-unlad at pisikal na aktibidad ay gumaganap sa mahalagang papel sa kalusugan sa kalusugan sa buong buhay ng bata, lalo na ang pagiging aktibong pisikal ay nagpoprotekta laban sa sakit sa puso,dyabetis, at labis na katabaan. Nakatutulong din ito sa kalusugang pangkaisipan, kasiyahan at sikolohikal na kagalingan.
- Ang kakayahan sa pisikal na pagkilos ay batayan sa ibang mga uri ng kaalaman at nagpapahintulot sa oportunidad para sa mga bata na makisalamuha sa iba, upang magsiyasat, upang matuto, at upang maglaro .
- Inihahanda ng pisikal na aktibidad ang mga bata mga sa mga aktibidad sa susunod na buhay kabilang ang mga aktibidad sa kalakasan ng katawan, organisadong mga palaro, at libangan.
- Ang mga sanggol, paslit at mga batang preschool ay handa ng umunlad at napaka-masigasig upang matuto ng mga kakayahan sa bagong gawain. Ang preschool na panahon ay panahon ng pagkakataon para sa mga paslit na matuto ng pangunahing kakayahan sa pagkilos. Kapag hindi natuto ang mga bata ng mga kasanayang iyon sa oras ng preschool na panahon, maaari silang mahirapang matuto sa susunod, at ang kanilang kakayahan na makibahagi sa pisikal na mga aktibidad ay maaaring maapektuhan ng pangmatagalan.
- Sa mga taon ng preschool, nalilinang ang mga kasanayan sa mahalagang pagkilos ng mga bata. Ang mga kakayahang iyon ay nagtatag sa pisikal na pag-unlad na naganap sa mga bata noong sila ay sanggol at paslit pa sila.
- Alam natin kung gaano natututo ang mga bata sa pamamagitan ng pisikal na aktibidad sa labas likas na mundo. Mahalagang tulungan ng matatanda ang mga bata na magkaroon ng pagkakataon para sa ganitong uri ng paglalaro, dahil ang mga bata ay naglalaan karamihan ng kanilang oras sa harap ng telebisyon o screen ng computer sa halip na magsagawa ng pisikal na aktibidad.
- Mas maraming karanasan ang mga bata sa mga pisikal na aktibidad, mas malaking tiwala ang nalilinang at mas handa silang subukan ang mga bagay at linangin ang bagong kakayahan. Ang mga bata na naglalaan ng maraming oras sa harap ng telebisyon o computer ay maaaring maging hindi handa upang subukan ang mga pisikal na pagsubok at maaaring makaligtaan ang pagkakataon upang malinang ang mahalagang kakayahang pisikal.
- Binibigyang diin ng pananaliksik ang mga benepisyo ng karanasan sa kalikasan para sa mga bata at nagpapakita na mas gusto ng mga bata na maglaan ng oras sa likas na ayos. Higit pa dito, alam natin an ang paggamit ng luntuin, mga espasyo sa labas ay nakapagpapabuti sa kakayahan ng mga bata na mag-isip at ang kanilang kagalingan at kaugnayan.
Paglaki ng Pangangatawan
Panimula
Ang pisikal na pag-unlad ng mga sanggol at paslit ay kabilang sa kakayahang matuto tulad ng paggulong, pag-upo, paggapang, paglalakad at pagtakbo. Sa pamamagitan ng mga kakayahang ito, nakikita ng mga bata at nakikipagtulungan sa kapaligiran sa iba’t ibang paraan. Ang pisikal na pag-unlad ng mga bata ay kaugnay sa kanilang paglaki sa lahat ng larangan. Kapag ang bata ay itinulak pataas ng nakatayo makikita niya ang ibabaw ng mesa at ang bagong oportunidad para sa pagsisiyasat sa mga magasin at tasa sa mesa ay mabubuksan. Kapag nagsimulang itulak ng sanggol ang stroller, natututo siya tungkol sa mga bagong ideya tulad ng pagkilos. Kapag itinulak niya ang stroller patungo sa iba pang kaibigan na naglagay ng sanggol sa stroller, pinalalawak din niya ang kanyang kakayahang panlipunan.
Sa oras na maging 36 buwan na ang edad nila, nagawa na ng mga bata ang maraming pisikal na gawain kabilang ang pagtakbo, pag-akyat, pagtalon, paghagis, pagsipa, pag-ikot, pagdadalat at pagpedal. Ginagawa nila ang lahat ng mga gawaing ito nang may ilang mga kakayahan at koordinasyon at maaaring pagsamahin ang ilan, halimbawa, tumatakbo sila habang dala ang isang bagay, maaari silang umakyat at tumalon, at maaari silang sumayaw na gumagalaw ang mga braso, binti at ang kanilang buong katawan.
Sa mga buwan ng panimula hanggang 36 na buwan mkikita mo ang paslit ay:
- Tumatalon sa pinakailalim na baitang
- Tumatalon pasulong ng ilang pulgada
- Sumisipa ng bola
- Sumasambot ng bola gamit ang dalawang braso
- Umaakyat o bumababa ng hagdan sa pamamagitan ng pag-apak ng parehong paa sa bawat baitang, nang hindi humahawak
- Paglakad ng patiyad
- Pagsakay sa sasakyang laruan nang hindi nagpepedal
Ilan sa mga makikita mo sa edad 36 na buwan kabilang ang:
- Lumalakad at tumatakbo, bumibilis at bumabagal at babalik
- Inihahagis at sinisipa ang bola (nang walang kakayahan)
- Pagpedal ng traysikel
- Pag-akyat sa mga akyatang estruktura at hagdan
- Umaakyat sa hagdan, inilalagay ang paa sa bawat baitang, nang hindi humahawak sa rehas
- Paglakad ng patalikod
- Pagtalon gamit ang dalawang paa
- Pagsambot ng bola
Mga tip sa mga magulang upang tulungan ang mga paslit sa pisikal na pag-unlad:
- Kailangan ng mga paslit ng maraming oportunidad upang gumilos, tumakbo, umakyat, tumalot at maghagis. Nasisiyahan silang magdala ng mabibigat na bagay at mga itinatayong bloke at iba pang mga karaniwang mga bagay.
- Gustong gusto ng mga paslit na itulak ang mga bagay, kabilang ang mga kahon, maliliit na stroller at kariton.
- Gustong-gusto ng mga bata na magtayo, magsansan ng mga bagay (at pabagsakin ang mga iyong). Gagawin nila ito sa halos lahat ng makita nila –mga lata at kahon mula sa platera, mga patpat at mga dahon sa labas, maliliit na piraso ng kahoy mula sa tindahan ng kahoy, o set ng itinatayong bloke.Kapag itinutumba at ipinapatong at sinusubukang patayuin ng mga bata ang mga bagay-bagay, natututunan nila ang tungkol sa gravity.
- Gustong-gusto din ng mga paslit na umakyat, at ang ilan ay aakyatin ang anumang makikita nila (mga silya, mesa, estante, sopa at upuan). Magdesisyon kung ano ang ligtas para sa iyong anak upang akyatin at paalalahanan sila Na umakyat sa mga bagay na iyon kapag nagsimula silang umakyat sa ibang bagay.Ang pag-akyat ay nagbibigay sa mga bata ng pagkakataon na magkaroon ng lakas, matutong bumalanse, at magkaroon ng koordinasyon.
- Gumamit din ng mga banig, unan at mababang sahig para sa mga bata upang magsanay na umakyat at bumaba.
- Ang panlabas na palaruan ay nagbibigay ng pagkakataon upang umakyat ang mga maliit na bata, dahil may mga karaniwang troso, malaking bato, at burol. Masisiyasat mo at ng iyang anak ang iyong kapaligiran para sa angkop na mga lugar sa pag-akyat.
- Minsan ay mahuhulog ang mga bata kapag umaakyat sila, at kadalasan ay nasasambot nila ang kanilang sarili at nagkakaroon lamang ng maliliit na gasgas. Ang mga simpleng pagkahulog na ito ay upang matuto din. Kadalasan ay nais nilang bumalik sa parehong lugar upang subukan na umakyat muli at gagawin ng matagumpay dahil natuto sila sa nakaraan. Kapag ang iyong anak ay nagsimulang umakyat, mahalaga na tumingin ka sa paligid upang makita kung ligtas ang kapaligiran.
- Natutuwa ang mga paslit na subukan ang kanilang kakayahan sa loob, gayundin sa labas. Kahit na ang maikling paglalakad sa labas ay nagbibigay sa mga bata ng pagkakataon na subukan ang mga bagong lugar sa paglalakad, pagtakbo at pagtaon, at panoorin ang mga ibon at maranasan kung ano ang iniaalok ng komunidad.
- Ang mga bata sa ganitong edad ay nasisiyahan din na maghagis. Maaari mong bigyan ng iba’t ibang malambot na bola na maihahagis nila at maaaring ilabas ang malalambot na bola sa labas ng medyas o estambre.
- Natutuwa din ang mga bata na magdala ng mga bagay, napakaliit na basket o pitaka na hawakan na magagamit nila upang lagyan at dalhin—niresiklong bote ng tubig, o iba pang bagay na makikita nila. Gusto nilang itapon hangga’t gustong-gusto nilang maglagay, kaya ibinabaliktad nila ang lalagyan sa oras na mapuno nila ito. Nabibighani sila kung paano ang mga bagay ay gumagalaw at paano nagbabago ang mga bagay. Kapag ang mga bagay ay nasa basket tinitingnan nila ito sa isang paraan. Kapag itinapon nila sa sahig, kakalat ang mga iyon. Tinatanong ng mga bata ang kanilang sarili. “Magbabago bang muli ang pagkakaayos nila kung ilalagay ko muli ang mga iyon sa basket?
- Gusto din ng mga bata na mabatak ang kanilang mga kalamnan sa pamamagitan ng pagdadala o paglilipat ng mabibigat ng mga bagay. Ang selyadong bote o kahon ng sabong panlaba ay nakatutuwa para sa kanila na galawin. Natutuwa silang magdala ng maliliit na bangkito upang abutin ang aklat sa estante. Tumutulong sila na magdala ng maliliit na bag ng groseri o itulak ang lalagyan ng nilabhan sa mesa para tiklupin.
MGA PARAAN NG PAG-AARAL
18 BUWAN HANGGANG 36 BUWAN (3 TAON)
Anong mga kakayahan ang tumutulong sa mga batang matuto?
- I-download ang PDF na bersyon ng sungguniang naipi-print na ito
- Pakinggan ang audio file na ito para mapakinggan ang tungkol sa mga halimbawa ng paano natututo ang mga bata na ituon ang pansin sa mga tao at bagay para sa lahat ng edad 18 buwan hanggang 36 buwan (3 taon) kasunod ng talakayan ng grupo ng magulang
- Panoorin ang video file na ito para mapanood ang mga halimbawa ng paano natututo ang mga bata na ituon ang pansin sa mga tao at bagay para sa lahat ng edad 18 buwan hanggang 36 buwan (3 taon) kasunod ng talakayan ng grupo ng magulang
- Pakinggan ang audio file na ito para mapakinggan ang tungkol sa mga halimbawa ng paano nagiging mahusay ang mga bata sa paggalaw ng kanilang mga katawan para sa lahat ng edad 18 buwan hanggang 36 buwan (3 taon) kasunod ng talakayan ng grupo ng magulang
- Panoorin ang video file na ito para mapanood ang mga halimbawa ng paano natututo ang mga batang lutasin ang mga problema para sa lahat ng edad 18 buwan hanggang 36 buwan (3 taon) kasunod ng talakayan ng grupo ng magulang
Panimula ng Mga Paraan sa Pagkakatuto
Ang mga bata ay nakakakuha ng maraming kakayahan na tumutulong sa kanila na matuto at lumutas ng mga problema. Kabilang sa mga kakayahang ito ay ang kakayahan na makapagtuon ng pansin, kahit pa may mga pang-agaw ng pansin, upang magmasid, upang magtanong, upang kumalap ng mga impormasyon at tumuklas ng iba’t-ibang paraan upang lumutas ng mga problema. Ang mga kakayahang ito ay tinatawag na paraan ng pagkakatuto.
Ang mga bata ay natututo na gumamit ng mga konsepto ng matematika tulad ng mga numero, hugis, at laki kapag lumulutas ng mga problema. Ginagamit nila ang lahat ng kanilang pandamdam upang kumalap ng mga impormasyon, punahin ang mga kaibahan at pagkakapareho, at madalas ay naghahambing. Marahan nilang pinagmamasdan ang mga tao at mga bagay at bumubo ng palagay o hypotheses at gumagawa ng prediksyon base sa kanilang mga pagmamasid. Sila din ay gumagawa ng mga simpleng eksperimento at tinatantiya ang kalalabasan ng kanilang mga eksperimento.
Ang mga bata ay natural na mausisa. Maaaring himukin ng mga matatanda ang pagiging mausisa ng mga bata at pagkukusa sa pagtanong sa mga bata ng mga tanong na maaari nilang sagutin nang mahaba at di lang isang salita, ang pagtugon agad sa kanilang mga katanungan, at sa pagbigay ng maraming uri ng mga materyal para tumuklas. Ang mga naturang suporta ang nagpapalakas ng lumalalim ng kumpiyensa ng mga bata bilang nag-aaral at pagkusa na ipagpatuloy ang paglutas ng nakakahamon na mga problema.
Mga Paraan ng Pag-aaral
Panimula
Anong mga kakayahan ang ginagamit ng mga maliliit na bata upang lutasin ang mga problema?
Ang isang mahalagang kakayahan sa paglutas ng problema na nabubuo ng mga sanggol at paslit ay ang kakayahan na magbigay ng atensyon sa mga bagay na interesado sila, kahit na may mga nakagugulo. Halimbawa, ang mga batang sanggol ay maaring tumingin sa mga mata ng kanyang miyembro ng pamilya habang may tumutugtog na musika. Ang mas may edad na bata ay maaaring magpatuloy sa pag salansan ng ilang mga bloke kahit na may aayos na labada sa tabi niya. Ang kakayahang ito na pag-isipang mabuti ang isang bagay ay nakatutulong sa kanila na magmasid, mangalap ng impormasyon, bumuo ng kanilang mga karanasan sa pag-aaral at humanap ng mga solusyon sa mga problema.
- Minsan maaaring bigyang pansin ng mga bata ang higit pa sa isang bagay nang paisa-isa.
- Mapapansin nila na inilagay nila ang aklat malayo sa mga laruang hayop at ibabalik upang ilagay ito sa wastong lugar.
- Maaaring maghanap ang mga bata at hanapin ang paboritong aklat at hilingin sa miyembro ng pamilya na basahin ito para sa kanya.
- Maaari silang tumingin sa loob ng basket ng mga laruang hayop habang sinasabi saiyo na hinahanap nila ang maliit na kuting.
Sa mga buwan ng pagsisimula hanggang 36 buwan:
- Maaring laruin ng mga bata ang mga laruan sa loob ng ilang minuto bago lumipat sa ibang gawain.
- Maaari silang umupo kasama ang mga miyembro ng pamilya upang magkakasamang basahin ang aklat.
Mga tip para sa pamilya upang tulungan ang kanilang anak na ituon ang kanilang pansin:
- Subukang magbigay ng patuloy na aktibidad sa iyong paslit. Kahit na mayroon kang abala at pabago-bagong iskedyul, maaari mo siyang tulungan na umidlip pagkatapos ng tanghalian sa maraming araw o basahan siya ng aklat bawat gabi sa oras ng pagtulog.
- Maaari mo ring ilarawan kung ano ang susunod na mangyayari upang tulungan ang iyong anak na ihanda sa susunod na aktibidad. “ Pupunta tayo sa liwasan pagkatapos magbihis at kumain ng almusal.”Kapag nailarawan mo alin ang susunod na mangyayari, mas magiging kampante ang pakiramdam ng iyong anak at hindi na siya magugulat sa mangyayari sa kanyang araw.
- Iayos ang kanyang mga laruan sa mga simpleng paraan, halimbawa, isang basket para sa kanyang mga awto, isa pa para sa kanyang mga bloke at isa pa para sa kanyang mga laruang hayop.
- Basahan siya ng mga aklat at awitan ng mga kilalang awitin nang paulit ulit. Habang nagugustuhan niya ang mga bagong awitin at aklat, nais din niyang balikan ang dating mga alam.
- Pansinin ang mga uri ng aktibidad na interesado ang iyong anak at magbigay ng iba’t ibang karanasan at mga kagamitan upang suportahan ang pagsasaliksik na iyon. Halimbawa, kung ang iyong anak ay interesado sa pagtatambol, maaari kang magbigay ng iba’t ibang mga bagay upang tambulin niya – karton ng gatas na walang laman o mga galon ng juice, mga kalderong metal o balde, mga karton na kahon.Ang bawat bata ay may mga bagay na gustong gawin. Kapag ang mga bata ay may pagkakataon na ipagpatuloy ang kanilang interes, sila ay mas lalong natututo at bumuo pa ng mga ibang kakayahan.