Mga impormasyon sa mga edad ng bata

Kapanganakan hanggang 8 buwan

PAGKABUO NG PAKIKIPAGKAPWA – EMOSYON

KAPANGANAKAN HANGGANG 8 BUWAN

Paano natututo ang mga bata tungkol sa kanilang damdamin at relasyon?

Pagkabuo ng Pakikipagkapwa – Emosyon Panimula

Paano nag-iisip ang mga bata at namamahala sa

  • kanilang sarili,
  • kanilang pakiramdaram at pag uugali, at
  • kanilang relasyon

… ay tinatawag na panlipunan-emosyonal na pag-unlad
Ang pag-unlad ng mga kakayahang ito ay mahalaga tagumpay ng mga bata sa pag-aaral tulad ng ibang mga kakayahan, tulad ng wika at pagbasa at pagsulat at matematika.
… Sa panahon ng unang limang taon ng bata ay natututo kung paano

  • pangasiwaan ang kanilang sariling ugali,
  • kilalanin, ipahayag at pamahalaan ang kanilang nararamdaman,
  • pansinin at tumugon sa pagdadala ng kanilang paraan sa pakiramdam sa iba,
  • makipag-usap sa mga kaibigan,
  • maging miyembro ng isang grupo, o
  • paunlarin ang malapit na ugnayan sa mga matatanda, kabilang ang mga magulang, ibang miyembro ng pamilya, at mga guro.

Natututo ang mga bata sa mga kakayahang panlipunan-emosyonal na ito sa malapit na ugnayan sa mga matatanda sa pamamagitan ng tugunang komunikasyon, pagbabahagi ng mga karanasan at gabay sa pagpapalaki. Ang laro ay isa ding sentro upang tulungan ang mga bata na matuto ng mga kasanayang ito. Sa pamamagitan ng paglalaro, ang mga bata ay nagsasanay sa kanilang panlipunang kakayahan, sinisiyasat ang kanilang pakiramdam, sinusubukan ang bagong mga kaugalian at kumukuha ng katugunan mula sa iba. Ang paglalaro ay nagpapahintulot sa bata na matuto ng higit tungkol sa kanila at sa iba at paunlarin ang kanilang kakayahang pangkomunikasyon at interaksyon.

Pagkabuo ng Pakikipagkapwa – Emosyon

Panimula

Ano ang natututunan ng aking anak tungkol sa kanyang sarili at kanyang nararamdama?

  • Ang pag-aaral tungkol kung sino ka bilang tao ay nagsisimula sa pagsilang. Ang mga sanggol ay isinilang ng may maraming kakayahan –para makakita, makarinig, makakain, magbokalisa (umiyak at gumawa ng tunog) –ngunit ang lahat ay bago para sa kanila.
  • Ang mga sanggol ay tipikal na isinisilang sa mundo na handang umugnay sa mga tao, upang tumingin sa mata sa mata at pagkatapos, ay ngumiti.
  • Sila ay interesado sa mga tao sa paligid nila at natututo sila tungkol sa kanilang sarili sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga tao ( ang mga taong nag-aalaga sa kanila). Halimbawa, ang bata ay umiiyak dahil ang pakiramdam niya sa loob ay masama. Kapag binigyan siya ng kanyang magulang ng gatas, bubuti ang pakiramdam niya, Sa susunod ay matututunan niya na ang pakiramdam sa loob ay tinatawag na “gutom,” at matatanggal ito kapag dumating ang gatas.
  • Natututunan din ng iyong anak tungkol sa kung ano ang nararamdaman ng mga tao para sa kanya. Kapag ang mga tao ay ngumiti sa kanya, nagsalita, nakinig, tumugon sa kanyang iyak at inalagaan siya, natututunan niya ay kaibig-ibig at mahalaga.

Ano ang natututunan niya tungkol sa ibang tao at mga relasyon?

  • Natututo din ang iyong anak tungkol sa mga tao kung saan siya natira. Nakikilala niya ang mga pamilyar na tao at ngumingiti sa kanila at titingin sa kanila ng mas matagal kaysa sa mga estranghero.
  • Pipiliin niya na maging pamilyar sa mga tao at hahanapin sila sa bago o hindi tiyak na mga sitwasyon.
  • Maingat niyang pinanonood ang mga ekspresyon ng tao para sa mga mensahe—ngumingiti ba sila? Tensyonado ba sila? Malungkot ba sila? –at ginagamit ang mga hudyat na ito upang tulungan silang maunawaan ang kanyang mundo. Kapag hinahawakan siya ng kanyang magulang at ang bagong tao ay lumapit at sinabi “kamusta,” kadalasan ay titingin sila sa mukha ng kanyang magulang upang suriin ang kanyang tugon bago makipag-usap sa bagong tao.
  • Nagsisimula niyang hulaan kung gaano katiyak ang maaaring puntahan ng interaksyon. Kapag binigyan ka nila ng malaking ngiti, hinihintay niya ang inaasam na ngiti mula saiyo. Kapag inaabot ka niya, hinihintay niya na kukunin mo siya.
  • Hindi pa niya alam na ang ibang tao ay may pakiramdam na kakaiba sa kanya, ngunit nagsisimula niyang ipahayag ang kanyang pakiramdam ng mas malinaw at interesado na panoorin ang mga ekspresyon ng ibang tao.

Mga tip upang suportahan ang iyong anak na matuto tungkol sa kanyang sarili bilang tao, matuto tungkol sa kanyang nararamdaman at matuto tungkol sa ibang tao:

Pag-aaral tungkol sa sarili bilang tao

    • Ang mga simpleng laro tulad ng peek-a-boo ay kaaya-aya para sa iyong sanggol at nakatutulong na paalalahanan nisya na aalis ka, pero lagi kang bumabalik.
    • Ang pagbibigay ng pangalan sa kanyang katawan ay mapaglarong gawain din. “Nasaan ang ilong mo?” At ituro o hawakan ito habang sinasabi mo ang ilong. “Nasaan ang iyong tainga?” At pagkatapos ay ituro mo o hawakan ito habang sinasabi mo na tainga.
  • Isali ang iyong sanggol sa mga masasayang gawain tulad ng paglalampin at pagdadamit.
    • “Maaari mo bang hawakan ang iyong tuyong lampin habang tinatanggal ko ang basa?” “Isusuot natin ang iyong salawal… nasaan ang iyong mga paa? Ah, narito sila! Nagtatago sila sa iyong salawal”
    • Ang lahat ng mga larong ito ay nakatutulong sa iyong anak na matuto tungkol sa kanilang katawan at kung paano ito gumagana, at nakatutulong din sila sa iyong anak na maramdaman ang mabuti sa kanilang sarili!

Pag-aaral tungkol sa saring pakiramdam

  • Ang iyong anak ay makikipag-usap saiyo sa pamamagitan ng pag-iyak, lalo sa mga unang buwan ng buhay. Tumugon sa pag-aalaga, pagmamahal na paraan kapag ang iyong anak ay umiiyak, o nagpapakita ng pagkabalisa.
    • Mahalagang subukan na alamin kung paano at ano ang hinihingi ng iyong anak kapag umiiyak. Ngunit kahit na sinubukan mo ang lahat at umiiyak parin siya, pahahalagahan niya na hawakan mo siya ng may pagmamahal at sabihin sa kanya na nariyan ka parin para sa kanya. Ang iyong kalmadong presensiya ay nakatutulong sa kanya upang makaramdam ng mas mabuti kahit na hindi siya tumitigil sa pag-iyak.
  • Kausapin ang iyong anak. Sa ganitong paraan nagsisimula kang bigyan siya ng mga salita para sa kung ano ang kanyang nararamdaman. Ang mga bata ay sensitibo sa pagsigaw at ibang mga pagpapahayag ng galit at maaaring matakot o mabalisa na makita itom kahit na hindi ka gamit sa kanila.
  • “Naririnig ko na umiiyak ka. Malungkot ka ba na lumabas si papa?”
  • ” Ikinakaway mo ang iyong mga braso sa hangin. Mukha tuwang-tuwa ka na makita ang iyong papa!”
  • Mag-ingat sa paraan na ipahayag ang iyong nararamdaman sa harap ng iyong anak. Siya ay sensitibo sa nararamdaman at natututo kung paano ipahayag ang kanyang sarili sa pamamagitan ng panonood saiyo.

Pag-aaral tungkol sa ibang tao

  • Magdahan-dahan sa bagong mga sitwasyon upang tulungan ang iyong anak na iakma ang sarili sa bagong mga tao. Gusto ng ilang mga sanggol na tumingin sa mga tao sa ilang sandali bago sila sumama sa kanila.
  • Kung binabalak mo na mag-alaga ang bagong tao para sa iyong sanggol, maglaan ng ilang panahon na tulungan ang iyong sanggol na maging komportable sa kanyang bagong kasama. Maaari mong bisitahin ang bagong kasama at ang iyong sanggol sa isang oras o higit pa bago umalis. Ang mga unang panahon na iiwan mo ang iyong sanggol sa bagong kasama, bumalik pagkatapos ng isang oras o dalawa, upang magsimulang maunawaan ng iyong sanggol na ikaw ay umaalis at bumabalik.

PAGBUBUO NG PANANALITA AT KARUNUNGANG BUMASA AT SUMULAT

KAPANGANAKAN HANGGANG 8 BUWAN

Paano natututong magsalita ang mga bata?

Buod ng Lengguwahe at ng Kakayahang Bumasa’t Sumulat

Ang mga usapan ng kanilang pamilya, sa kalaonan masisimulang tukuyin ng mga bata ang mga pamilyar na tunog at bumuo ng mga bukabyularyo ng mga salita na naiintindihan nila, bago pa sila makapagsalita. Ang kakayahan ng mga bata na makaintindi ng lengguwahe ay tinatawag na “receptive language.”

Sa una, ang mga sanggol ay nakikipag-usap sa pamamagitan ng paggawa ng mga tunog, hal., pag-iyak, at sa pamamagitan ng mga galaw. Sa paglapit nila sa edad na bagu-bago pa lamang maglakad, nagsisimula silang gumamit ng mga ilang salitang pamilyar at, sa 4 at 5 taon, marami na silang bokabularyo at nasusunod na ang mga panuntunan ng gramatika kapag sila’y nakikipag-usap gamit ang lengguwahe. Ang kakayahan ng mga bata na gumamit ng lengguwahe upang masabi ang kanilang mga iniisip, ideya, at pakiramdam ay tinatawag na “expressive language” (o makahulugang pananalita).

Habang natututo ang mga bata ng mga salitang binibigkas , sila din ay natututo ng mga nakasulat na salita– sa pamamagitan ng mga libro, signs, at mga sulat. Bago matuto na magbasa ng mga salita, natututunan ng mga bata na ang mga nakasulat ay mga kumakatawan sa mga salita at bago magsulat, sila ay natututong gumawa ng mga marka at gumuhit ng mga larawan. Sa oras na sila’y tumungtong sa 5 taon, maiintindihan nila na binubuo ng mga letra ang mga salita at ang mga salita ay makakagawa ng mga kuwento na matututunan nilang basahin. Maraming mga 5 taong gulang na nakakabasa at nakakasulat na rin ng kanilang sariling pangalan.

Pagbubuo ng Pananalita at Karunungang Bumasa at Sumulat

Panimula

Paano matututo magsalita ang aking anak?

  • Sa unang taon ang inyong mga sanggol ay matututo ng higit tungkol sa salita at komunikasyon, kahit na maaari silang magsalita ng ilang mga salita sa kanilang unang kaarawan. Sila ay ipinanganak na interesado at nagaganyak na matuto ng wika at makinig sa lahat ng mga salita at iba pang mga tunog sa kanilang paligid, lalo na mula sa taong mahal nila.
  • Likas silang natututong magsalita mula saiyo at sa ibang tao sa paligid nila sa pamamagitan kung paano natin sila kausapin mula sa oras na sila ay ipinanganak at bawat interaksyon.
  • Bawat mga batang sanggol at ang kanilang miyembro ng pamilya ay may “mga pag-uusap,” kung saan ang sanggol ay natututong mag-coo at ngumawa at maghintay at magsalita muli ang matanda sa bata. Simula sa mga pag-uusap na ito, ang sanggol ay nagsisimulang matuto kung paano makipag-usap, masiyahan sa karanasan na “pinakikinggan”, at masigasig na tandaan ang mga salita na sinasabi ng kanilang kapamilya.
  • Maraming pamilya ang nakatuklas na ang paggamit ng mga simpleng senyas at kumpas (hal, sige pa, tubig, gatas, ubos na lahat) ay nag-aalok sa kanilang mga anak ng pagkakataon na makipag-usap bago sila makapagsabi ng mga salita.
  • Maraming mga bagay na nagawa mo na sa iyong anak na tulungan siya o matutong magsalita. Ang miyembro ng pamilya ay likas na nagkukuwento sa kung ano ang nangyayari ngayon sa mga bata. Ito ay makatutulong sa mga bata na iugnay ang mga salita sa mga bagay ang karanasan na mayroon sila.

Pag-unlad ng Wikang Bilingguwal

Paaano natututo ng wika ang mga bata sa bilingguwal o hindi nagsasalita ng Ingles na pamilya?

  • Ang mga bata ay napaka dalub
  • hasa sa pag-aaral ng wika at may kakayahan na matutunan ang dalawa o higit pang mga wika kahit na bago sila magsimulang mag-aral.
  • Ang mga pamilya na nagsasalita ng wika sa bahay bukod sa Ingles ay maaaring gamitin ang kanilang sariling wika bilang kanilang pangunahing wika sa kanilang mga anak. Ang pag-aaral sa kanilang sariling wika ay nakatutulong sa mga bata na maramdamang konektado sa kanilang pamilya at kultura. Maaari din silang matuto ng Ingles kapag ang pamilya ay bilingguwal o maaari silang matuto ng Ingles kapag nagsimula na sila sa childcare o paaralan.
  • Sinusuportahan ng pamilya ang pag-aaral ng wika sa pamamagitan ng pagsasalita, pagbabasa o pagkanta sa kanilang mga anak gamit ang sariling wika. Sa ganitong paraan natututo ng maraming kasanayan sa wika ang mga bata na makatutulong sa kanila kapag nagsimula na silang mag-aral ng Ingles.
  • Tingnan ang iyong lokal na aklatan para sa mga aklat sa iyong sariling wika.
  • Ang mga batang may ganitong oportunidad na maging bilingguwal sa batang edad ay makikinabang mula sa paggamit ng parehong wika sa buong buhay nila.

Nauunawaang Wika

Ano ang pagkaunawa ng aking anak?

“Ang Nauunawaang wika” ay tumutukoy sa mga salita na naririnig at nauunawaan ng mga bata, kahit na bago sila makapagsalita sa kanilang sarili. Nauunawaan ng mga bata ang maraming salita kaysa sa mga nasasabi nila.

  • Ang pakikinig sa kung ano ang iyong sinasabi sa kanila ay nakatutulong sa kanila na matutunan ang mga salita. Kapag may sinabi ka at naghintay, nagsisimula sila na unawain kung paano gumagana ang komunikasyon.
  • Nakikinig ang mga bata sa mga salita na direktang sinasabi sa kanila gayundin sa pakikipag-usap na nangyayari sa paligid nila.
  • Binibigyang pansin din nito ang tono ng wika at sa edad na ito ay nagsisimulang unawain ang kahulugan ng tono gayundin ang mga salita. Halimbawa, maaari nilang mapansin kapag ang tono mo ay natutuwa, nagigiliw, bigo, o natatakot at sa huli ay matututunan kung paano gamitin ang tono sa kanilang sariling pakikipag-usap.

Wikang Nagpapahayag

Komunikasyon: Pagsasalita at pagbabasa

“Ang wikang nagpapahayag” ay kabilang ang lahat ng mga tunog at salita na nagagawa ng bata.

  • Ginagamit ng mga sanggol ang pag-iyak, mga tunog, at kumpas upang sabihin ang kanilang nararamdaman, pangangailangan at mga ideya.
  • Kabilang sa mga kumpas ang mga bagay tulad ng pag-kaway para sa “ba-bye,” nakataas ang parehong kamay para sa “kunin mo ako,” at iling ng ulo gilid sa gilid upang tanggihan ang pagkain ng tiyak na pagkain.
  • Ang mga bata ay nagsasanay ng matagal para sa iba’t ibang tunog bago nila mabuo ang mga salita. Pinagdudugtong nila ang mga tunog tulad ng: “ba-ba-ba,” o “da-da-da,” at natutuwa kapag inuulit ng mga tao ang mga tunog na iyon sa kanila.
  • Sa una, nagsasanay sila ng iba’t ibang tunog, natutuwa kung paano nila nararamdaman ang mga tunog sa kanilang bibig, ngunit pagdaan ng ilang buwan, ang kanilang buwan ay nagsisimulang magkaroon ng kahulugan. Halimbawa, mas gagamitin ang “m-m-m-m-m” kapag sinasabi ang mama.
  • Kapag nagsimula silang magsalita, minsan sinasabi lang nila ang bahagi ng salita, tulad ng unahan o hulihan nito, o maaari silang lumikha ng tunog na katunog ng ritmo ng salita.
  • Kahit na hindi ito masabi ng tama ng mga bata kapag nagsimula silang magsalita, patuloy silang nagsasanay hanggang ang kanilang mga salita ay maging katunog ng saiyo.
  • Sumasagot din ang mga sanggol sa pakikipag-usap sa miyembro ng pamilya. Kapag tumigil sa pagsasalita ang ibang tao, ang sanggol ay ngangawa bilang tugon.
  • Ang mga sanggol  ay interestado sa mga aklat. Natutuwa silang gumugol ng oras kasama mo sa pagtingin at pagbabasa ng aklat. Tinitingnan ka niya kapag binasa mo at sumusunod sa mga larawan gamit ang kanilang mga mata.
  • Kinukuha ng mga sanggol ang aklat sa oras na kaya nila at sinusubukan na buksan ang mga iyon, nginunguya sila o inililipat ang mga pahina. Matututo agad sila na ngumiti at tumuro at magpakita ng pagpili sa mga tiyak na mga aklat.

Narito ang ilang mga tip upang suportahan ang pag-unlad sa pagsasalita ng iyong anak at interes sa pagbabasa:

  • Sabihin sa iyong anak kung ano ang iyong gagawin:Mas matututo ng wika ang iyong anak kapag nauugnay ito sa bagay o nararanasan niya
    • “Kukunin kita.”
    • “Ito ang sando mo. Isuot natin ito sa ulo mo.”
    • “Narito ang piraso ng karot para kainin mo.”
  • Kung nagpapakita ang iyong anak ng interes sa ibang bagay, bigyan sila ng mga salita na naglalarawan kung saan sila interesado. Mas interesado ang iyong anak sa mga salita na naglalarawan sa kanyang mga interes.
    • “Narinig mo ba ang kahol ng aso?”
    • “ Hinahawakan mo ang pusa. Malambot at mabalahibo siya.”
    • “Kumakaway ka sa tatay mo. Sinasabi mo ba na, ‘ba-bye’?”
    • “Inaabot mo ang tubig ko. Uhaw ka ba?”
  • Sabihin kung ano ang ginagawa ng iyong anak: Ito ay katulad ng “ipakita at sabihin.” Kasabay nito, nararanasan ng iyong anak ang isang bagay, natututunan nila ang mga salita upang sabihin ito.
    • “Nakagapang ka papunta sa sahig!”
    • “Noong hinawakan mo ang bola, gumulong ito papalayo.”
    • “Kinuha mo ang bean at inilagay sa iyong bibig.”
  • Sabihin kung ano ang ginagawa mo. Ito ay katulad ng “ipakita at sabihin.” Kasabay nito, makikita ng bata ang isang bagay, natututunan nila ang mga salita upang sabihin ito.
    • “Hinahanap ko ang aking sapatos”
    • “Inihahanda ko ang iyong gisantes at bibero para makakain ka.”
    • “Tinitingnan ko para makita kung kailangan mong palitan ng lampin.”
  • Gumagamit ng maraming salitang naglalarawan. Ito ang paraan para makabuo siya ng bokabularyo
    • “Ang iyong paboritong blangket ay berde at asul at madilim ang kabuuan.”
    • “Heto ang iyong pinto beans. Minasa ko sila para maging malambot sila para sayo.”
  • Pag-usapan ang nalalapit na hinaharap. Nagbibigay ito ng pagkakataon sa mga bata na magkaroon ng pangkaisipang paglalarawan tungkol sa kung ano ang mangyayari bago ito maganap.
    • “Mamaya ay oras na para dumede ka.”
    • “Ihahanda ko ang tubig para makaligo ka.”
    • “Pagkatapos nating palitan ang iyong lampin, magbabasa tayo ng aklat.”
  • Pag-usapan ang kamakailang naganap. Nagbibigay ito ng pagkakataon sa mga bata upang linangin ang kanilang pangkaisipang paglalarawan – ang alala ng nangyari.
    • “Umawit tayo at pumalakpak sa kotse ngayon.”
    • “Kumain ka ng maraming peras para sa tanghalian ngayon.”
    • “Nagpaalam tayo kay mama. Pumasok siya sa trabaho.”
  • Bigyan ng mga aklat ang iyong sanggol:Kapag inalok mo ng aklat ang iyong sanggol, nalalaman niya na pinahahalagahan mo ang mga aklat at matututunan din niya na pahalagahan ang mga iyon.
    • Ang paglalagay sa mga aklat na naaabot ng bata ay nagpapahintulot sa kanya upang pumili upang tingnan ang mga iyon kapag interesado siya.
    • Ang paggamit ng maliliit na board book sa iyong mga sanggol ay nagpapahintulot sa kanila upang makibahagi sa pagbubuklat ng mga pahina nang mas madali.
  • Basahan ng mga aklat ang iyong sanggol. Ito ang unang karanasan ng iyong anak na “magbasa” at panimulang hakbang upang maunawaan niya ang mga na may mga kwento, salita at impormasyon para sa kanya.
    • Kahit bago maupo ang iyong sanggol, maaari kang humiga katabi niya at hawakan ang aklat upang pareho ninyong makita.
    • Basahin ng mabagal upang magkaroon ng pagkakataon ang iyong sanggol na makinig sa iyong mga salita at suriin ang mga larawan.
    • Ang maagang karanasan na ito sa mga aklat ay magsisimula sa panghabang buhay na kagustuhan sa pagbabasa para sa ating mga anak.
  • Maaari kang gumawa ng mga simpleng aklat para sa iyong sanggol gamit ang mga larawan ng tao at bagay na gusto niya. Makatutulong ang mga aklat na ito upang makita niya na ang mga aklat ay maaaring maglarawan sa mga bagay na alam niya.
    • Maaari mong idikit ang mga larawan sa papel, isulat ang mga salita para sa iyong kwento at ikabit, itali o i-teyp ang mga pahina nang magkakasama.
    • Hindi kinakailangang mahaba ang mga kwento. Maaring mga ilang pahina lamang. “Gusto ni Julia na kumain. Nagkakamay siya at nagkukutsara. Gusto niyang kumain ng kanin, saging at manok.”
  • Pag-usapan ang mga larawan at aklat kasama ang iyong anak. Ang matutunan na ang mga larawan ay kumakatawan sa mga bagay ay isang habang upang matutunan ang mga titik na kumakatawan din sa mga bagay.
    • “Nakikita ko ang mga bituin sa langit. Nakikita mo ba ang mga bituin?”
    • “Nakikita ko ang maraming isda. Ano ang nakikita mo? (Kapag itinuro ng iyong anak, maaari mong pangalanan ang nakita nila.)
    • “Narito ang larawan ng abuelita at ng iyong tia.”
  • Pabalik sa Itaas
  • Pabalik sa Pagpipilian ng Pagitan ng Edad

PAGKAKAINTINDI NG BILANG

KAPANGANAKAN HANGGANG 8 BUWAN

Paano natututo ang mga bata tungkol sa mga bilang?

Buod ng Pagkakaintindi ng Bilang

Ang mga bata ay tumutuklas at nagsisimulang magsanay ng mga kakayahan na kailangan para sa matematika bago pa man pumasok sa elementarya. Sa mga unang taon ng buhay, ang mga bata ay natututong magbilang, kumilala ng mga hugis at modelo, naghahambing ng mga sukat at mga dami, at kumikilala ng mga pagkakapareho at kaibahan. Nakukuha ng mga bata ang mga kakayahang ito sa pamamagitan ng kanilang pagiging mausisa at naglalaro ng mga bagay at sa pamamagitan ng mga simpleng interaksyon sa mga matatanda. Ang araw-araw na interaksyon tulad ng pagbilang ng mga daliri sa kamay at paa ng isang matanda, pagbibigay ng dalawang pirasong saging, at ang pag-aayos ng bughaw at puting medyas sa iba’t-ibang tumpok ay nagdadagdag ng kakayahan ng isang bata sa matematika. Ang mga bata ay nagsisimulang makipag-usap tungkol sa mga dami ng mga bagay gamit ang mga salitang “mas marami” at “mas malaki.”

Habang sila ay lumalaki, sila ay natututong bumilang ng ilang mga numero. Lumalaki rin ang kanilang pang-unawa ng dami sa pamamagitan ng mga aktibidad tulad ng paglagay ng mga plato at mga baso sa mesa. Nalalaman nila kung paano ginagamit ng mga matatanda ang pagbibilang sa araw-araw na buhay at matututunan kung paano gamitin ng mga numero sa pamamagitan ng paggaya sa mga matatanda. Sa kabuuan ng mga unang taon, halos lahat ng mga bata ay natural na interesado sa mga numero. Mga masasayang aktibidad na may kinalaman sa mga numero ay nagpapatibay sa natural na interes ng mga bata at humihimok sa kanila na matuto pa tungkol sa mga konseptong pang-matematika.

Pagkakaintindi ng Bilang

Panimula

Ano ang natututunan ng mga sanggol tungkol sa mga numero?

Ang mga maliliit na bata ay nagsisimulang magsanay sa kanilang kakayahan na kinakailangan para sa aritmetika at matematika bago pa sila pumasok sa paaralang elementarya. Karamihan sa mga kakayahang ito ay ay nabuo sa pamamagitan ng kanilang sariling pinasimulan na paglalaro ng mga bagay at sa pamamagitan ng mga simpleng tagubilin ng mga matatanda.

  • Nalilinang ang mga maagang ideya mg mga maliliit na sanggol tungkol sa mga numero, kahit na bago pa sila magsimulang magsalita. Nagsisimula sila sa pamamagitan ng pag-pokus sa isang bagay sa isang pagkakataon. Aabutin nila ang laruan na iniaabot mo sa kanila. Sa silid na puno ng tao panonoorin lang niya ang kanyang ama habang naglalakad papalapit sa kanya.
  • Ang mga sanggol ay ipinakikilala sa kakayahang bumilang sa pamamagitan ng pang-araw araw na interaksyon tulad ng, ang mga magulang ay nagbibilang ng mga daliri at daliri sa paa, o humahalik ng dalawa, isa sa bawat pisngi.
  • Hanggang mag- 8 buwan ang edad ng mga sanggol, kapag hinawakan nila ang ilang bagay sa bawat kamay (dalawang bagay!) at inalok mo ang ikatlong laruan, maaari nilang ibaba ang isa sa mga bagay na hawak nila upang mahawakan nila ang bagong bagay. Ito ay nagpapakita ng panimula sa pag-unawa kung ano ang “dalawa.”

Mga tip sa mga magulang upang tulungan ang mga bata na maunawaan ang mga numero:

Marami sa mga bagay na ginagawa ng mga magulang ay likas sa mga bata na tulungan sila na linangin ang kanilang matematika at kakayahan sa pabibilang. Maraming pagkakataon sa ating pang-araw araw na buhay kung saan ang mga matatanda ay nagbibilang ng mga bagay at ang mga bata ay nagsasanay bumilang sa kanilang paglalaro. Narito ang ilang mga mungkahi sa mga bagay na maaaring gawin ng mga magulang.

PAGLAKI NG PANGANGATAWAN

KAPANGANAKAN HANGGANG 8 BUWAN

Paano nagiging mahusay ang mga bata sa paggalaw ng kanilang mga katawan?

Panimula sa Pisikal na Pag-unlad

  • Ang pasikila na pag-unlad at pisikal na aktibidad ay gumaganap sa mahalagang papel sa kalusugan sa kalusugan sa buong buhay ng bata, lalo na ang pagiging aktibong pisikal ay nagpoprotekta laban sa sakit sa puso,dyabetis, at labis na katabaan. Nakatutulong din ito sa kalusugang pangkaisipan, kasiyahan at sikolohikal na kagalingan.
  • Ang kakayahan sa pisikal na pagkilos ay batayan sa ibang mga uri ng kaalaman at nagpapahintulot sa oportunidad para sa mga bata na makisalamuha sa iba, upang magsiyasat, upang matuto, at upang maglaro .
  • Inihahanda ng pisikal na aktibidad ang mga bata mga sa mga aktibidad sa susunod na buhay kabilang ang mga aktibidad sa kalakasan ng katawan, organisadong mga palaro, at libangan.
  • Ang mga sanggol, paslit at mga batang preschool ay handa ng umunlad at napaka-masigasig upang matuto ng mga kakayahan sa bagong gawain. Ang preschool na panahon ay panahon ng pagkakataon para sa mga paslit na matuto ng pangunahing kakayahan sa pagkilos. Kapag hindi natuto ang mga bata ng mga kasanayang iyon sa oras ng preschool na panahon, maaari silang mahirapang matuto sa susunod, at ang kanilang kakayahan na makibahagi sa pisikal na mga aktibidad ay maaaring maapektuhan ng pangmatagalan.
  • Sa mga taon ng preschool, nalilinang ang mga kasanayan sa mahalagang pagkilos ng mga bata. Ang mga kakayahang iyon ay nagtatag sa pisikal na pag-unlad na naganap sa mga bata noong sila ay sanggol at paslit pa sila.
  • Alam natin kung gaano natututo ang mga bata sa pamamagitan ng pisikal na aktibidad sa labas likas na mundo. Mahalagang tulungan ng matatanda ang mga bata na magkaroon ng pagkakataon para sa ganitong uri ng paglalaro, dahil ang mga bata ay naglalaan karamihan ng kanilang oras sa harap ng telebisyon o screen ng computer sa halip na magsagawa ng pisikal na aktibidad.
  • Mas maraming karanasan ang mga bata sa mga pisikal na aktibidad, mas malaking tiwala ang nalilinang at mas handa silang subukan ang mga bagay at linangin ang bagong kakayahan. Ang mga bata na naglalaan ng maraming oras sa harap ng telebisyon o computer ay maaaring maging hindi handa upang subukan ang mga pisikal na pagsubok at maaaring makaligtaan ang pagkakataon upang malinang ang mahalagang kakayahang pisikal.
  • Binibigyang diin ng pananaliksik ang mga benepisyo ng karanasan sa kalikasan para sa mga bata at nagpapakita na mas gusto ng mga bata na maglaan ng oras sa likas na ayos. Higit pa dito, alam natin an ang paggamit ng luntuin, mga espasyo sa labas ay nakapagpapabuti sa kakayahan ng mga bata na mag-isip at ang kanilang kagalingan at kaugnayan.

Paglaki ng Pangangatawan

Panimula

Ang pisikal na pag-unlad ng mga sanggol at paslit ay kabilang sa kakayahang matuto tulad ng paggulong, pag-upo, paggapang, paglalakad at pagtakbo. Sa pamamagitan ng mga kakayahang ito, nakikita ng mga bata at nakikipagtulungan sa kapaligiran sa iba’t ibang paraan. Ang pisikal na pag-unlad ng mga bata ay kaugnay sa kanilang paglaki sa lahat ng larangan. Kapag ang bata ay itinulak pataas ng nakatayo makikita niya ang ibabaw ng mesa at ang bagong oportunidad para sa pagsisiyasat sa mga magasin at tasa sa mesa ay mabubuksan. Kapag nagsimulang itulak ng sanggol ang stroller, natututo siya tungkol sa mga bagong ideya tulad ng pagkilos. Kapag itinulak niya ang stroller patungo sa iba pang kaibigan na naglagay ng sanggol sa stroller, pinalalawak din niya ang kanyang kakayahang panlipunan.

Ang pagsulong ng kakayahan ng sanggol na kontrolin ang paggalaw ng kanyang katawan ay nalilinang ng madali sa unang 8 buwan ng kanyang buhay. Sa taong 8 buwan, ang ilang mga sanggol ay nagsisimulang gumalaw mula sa isang lugar patungo sa iba pa- sa pamamagitan ng paggulong, paggulong ng buong katawan sa lupa, o paggapang gamit ang kamay at paa. Marami ang nakakatayo, at ang iba ay nagsisimulang hatakin patungo sa patayong posisyon. Sa unang 8 buwan, nalilinang ang kakayahan ng mga sanggol na gamitin ang kanilang mga kamay upang humawak ng mga bagay at gamitin ang mga bagay na iyon upang kumilos sa iba’t ibang paraan. Ang lahat ng mga kakayahan na ito ay nakatutulong sa sanggol upang makipag-ugnayan sa mundo ng mas marami pang nakawiwiling paraan.

Sa mga buwan ng paglaki hanggang 8 buwan makikita ang mga sanggol na:

  • Tumitihaya at nilalaro ang kanyang paa
  • Gumugulong mula sa likod patungo sa kanyang harapan
  • Ginagamit ang dalawang kamay upang hawakan niya ang isang bagay sa harapan niya habang nakatihaya
  • Gumugulong mula sa harapan patungo sa likod
  • Pinag-aabot ang mga kamay at tuhod at iniuugoy patalikod at paharap
  • Kumikilos gamit ang mga kamay at tuhod papunta sa paupong posisyon
  • Umuupo ng kanya at tumatagilid upang tingnan o kunin ang isang bagay

Ilang mga kinaugaliang bagay na ginagawa na makikita mo sa 8 buwang edad kabilang ang:

  • Pagupo ng kanya nang walang suporta o tulong
  • Pagkilos sa paupong posisyon gamit ang kanyang mga kamay at tuhod
  • Itinutulak ang kanyang sarili pasulong gamit ang kanyang mga braso, habang nakahiga ang kanyang tiyan

Mga tip sa mga magulang upang suportahan ang pisikal na pag-unlad ng sanggol:

MGA PARAAN NG PAG-AARAL

KAPANGANAKAN HANGGANG 8 BUWAN

Anong mga kakayahan ang tumutulong sa mga batang matuto?

Panimula ng Mga Paraan sa Pagkakatuto

Ang mga bata ay nakakakuha ng maraming kakayahan na tumutulong sa kanila na matuto at lumutas ng mga problema. Kabilang sa mga kakayahang ito ay ang kakayahan na makapagtuon ng pansin, kahit pa may mga pang-agaw ng pansin, upang magmasid, upang magtanong, upang kumalap ng mga impormasyon at tumuklas ng iba’t-ibang paraan upang lumutas ng mga problema. Ang mga kakayahang ito ay tinatawag na paraan ng pagkakatuto.

Ang mga bata ay natututo na gumamit ng mga konsepto ng matematika tulad ng mga numero, hugis, at laki kapag lumulutas ng mga problema. Ginagamit nila ang lahat ng kanilang pandamdam upang kumalap ng mga impormasyon, punahin ang mga kaibahan at pagkakapareho, at madalas ay naghahambing. Marahan nilang pinagmamasdan ang mga tao at mga bagay at bumubo ng palagay o hypotheses at gumagawa ng prediksyon base sa kanilang mga pagmamasid. Sila din ay gumagawa ng mga simpleng eksperimento at tinatantiya ang kalalabasan ng kanilang mga eksperimento.

Ang mga bata ay natural na mausisa. Maaaring himukin ng mga matatanda ang pagiging mausisa ng mga bata at pagkukusa sa pagtanong sa mga bata ng mga tanong na maaari nilang sagutin nang mahaba at di lang isang salita, ang pagtugon agad sa kanilang mga katanungan, at sa pagbigay ng maraming uri ng mga materyal para tumuklas. Ang mga naturang suporta ang nagpapalakas ng lumalalim ng kumpiyensa ng mga bata bilang nag-aaral at pagkusa na ipagpatuloy ang paglutas ng nakakahamon na mga problema.

Mga Paraan ng Pag-aaral

Panimula

Anong mga kakayahan ang ginagamit ng mga maliliit na bata upang lutasin ang mga problema?

Ang isang mahalagang kakayahan sa paglutas ng problema na nabubuo ng mga sanggol at paslit ay ang kakayahan na magbigay ng atensyon sa mga bagay na interesado sila, kahit na may mga nakagugulo. Halimbawa, ang mga batang sanggol ay maaring tumingin sa mga mata ng kanyang miyembro ng pamilya habang may tumutugtog na musika.  Ang mas may edad na bata ay maaaring magpatuloy sa pag salansan ng ilang mga bloke kahit na may aayos na labada sa tabi niya. Ang kakayahang ito na pag-isipang mabuti ang isang bagay ay nakatutulong sa kanila na magmasid, mangalap ng impormasyon, bumuo ng kanilang mga karanasan sa pag-aaral at humanap ng mga solusyon sa mga problema.

  • Ang mga sanggol ay nakapag-uukol ng pansin sa mga bagay at tao sa paligid nila.
  • Nakapaglalaro sila ng isang laruan ng ilang minuto bago tumutok sa iba’t ibang laruan.
  • Ang mga sanggol ay tumututok sa laruan na hindi maabot at paulit-ulit na inaabot ito.
  • Nagpapakita sila ng interes sa pagtingin sa makukulay na board book ng ilang minuto.
  • Nanonood sila sa ibang mga bata na naglalaro.
  • Nakapaglalagay ang mga sanggol ng mga bagay sa lalagyan, itinatapon ang mga ito at pinupuno muli ang lalagyan.
  • Maaaring itigil ng mga sanggol ang kanilang mga kamay at binti sa isang sandali kapag ang matanda ay lumapit upang kausapin sila.

Sa mga buwan ng nagsisimula hanggang 8 buwan:

  • Ang mga sanggol ay maaaring manatiling kalmado at nakatutok sa mga tao, laruan, at tunog sa isang minuto o higit pa.
  • Susuriin ng mga sanggol ang laruan sa pamamagitan ng pagkalampag, paglalagay sa kanilang bibig o sa pamamagitan ng pagtingin dito.

Mga tip para sa mga pamilya na tulungan ang kanilang mga anak upang ituon ang kanilang pansin: