Mga impormasyon sa mga edad ng bata
48 buwan (4 taon) hanggang 60 buwan (5 taon)
PAGKABUO NG PAKIKIPAGKAPWA – EMOSYON
48 BUWAN (4 TAON) HANGGANG 60 BUWAN (5 TAON)
Paano natututo ang mga bata tungkol sa kanilang damdamin at relasyon?
- I-download ang PDF na bersyon ng sungguniang naipi-print na ito
- Pakinggan ang audio file na ito para mapakinggan ang tungkol sa mga halimbawa ng paano natututo ang mga bata tungkol sa kanilang damdamin at relasyon para sa lahat ng edad 48 buwan (4 taon) hanggang 60 buwan kasunod ng talakayan ng grupo ng magulang
- Panoorin ang video file na ito para mapanood ang mga halimbawa ng paano natututo ang mga bata tungkol sa kanilang damdamin at relasyon para sa lahat ng edad 48 buwan (4 taon) hanggang 60 buwan kasunod ng talakayan ng grupo ng magulang
Pagkabuo ng Pakikipagkapwa – Emosyon Panimula
Paano nag-iisip ang mga bata at namamahala sa
- kanilang sarili,
- kanilang pakiramdaram at pag uugali, at
- kanilang relasyon
… ay tinatawag na panlipunan-emosyonal na pag-unlad
Ang pag-unlad ng mga kakayahang ito ay mahalaga tagumpay ng mga bata sa pag-aaral tulad ng ibang mga kakayahan, tulad ng wika at pagbasa at pagsulat at matematika.
… Sa panahon ng unang limang taon ng bata ay natututo kung paano
- pangasiwaan ang kanilang sariling ugali,
- kilalanin, ipahayag at pamahalaan ang kanilang nararamdaman,
- pansinin at tumugon sa pagdadala ng kanilang paraan sa pakiramdam sa iba,
- makipag-usap sa mga kaibigan,
- maging miyembro ng isang grupo, o
- paunlarin ang malapit na ugnayan sa mga matatanda, kabilang ang mga magulang, ibang miyembro ng pamilya, at mga guro.
Natututo ang mga bata sa mga kakayahang panlipunan-emosyonal na ito sa malapit na ugnayan sa mga matatanda sa pamamagitan ng tugunang komunikasyon, pagbabahagi ng mga karanasan at gabay sa pagpapalaki. Ang laro ay isa ding sentro upang tulungan ang mga bata na matuto ng mga kasanayang ito. Sa pamamagitan ng paglalaro, ang mga bata ay nagsasanay sa kanilang panlipunang kakayahan, sinisiyasat ang kanilang pakiramdam, sinusubukan ang bagong mga kaugalian at kumukuha ng katugunan mula sa iba. Ang paglalaro ay nagpapahintulot sa bata na matuto ng higit tungkol sa kanila at sa iba at paunlarin ang kanilang kakayahang pangkomunikasyon at interaksyon.
Pagkabuo ng Pakikipagkapwa – Emosyon
Panimula
Ano ang natututunan ng iyong anak sa kanyang sarili at sa kanyang nararamdaman?
- Gusto niyang maramdaman na “malaya” ngunit gusto parin na maglaan ng oras sa kanyang mga magulang at pamilya.
- Ang iyong limang taon ay masigasig na gawin niya mismo ang mga bagay. Maaari siyang tumanggi sa tulong, kahit na siya ay nahihirapan at nababagabag.
- Nalinang na niya ang maraming kakayahan at gusto niyang ipakita sa iyo kung ano ang kamakailan lamang na natutunan niya kung paano gawin.
- Marami silang paraan upang ilarawan ang kanilang mga sarili at kanilang mga kakayahan. “Lima na ako!” Iyon ay mas matanda sa apat!” “Alam ko ang lahat ng pangalan ng mga planeta!” “Alam ko kung paano sumakay ng skateboard! Hindi ko kayang gawin iyon noong ako ay sanggol pa.”
- Kaya nilang magsimulang linisan ang kanilang sarili, minsan kahit hindi sinasabi sa kanila
- Nakagawa sila ng ilang paraan upang tulungan ang kanilang mga sarili na huminahon kung nababahala, ngunit minsan ang kailangan ng suporta at pag-aaruga ng mga magulang upang tulungan na ipaalala sa kanila ang mga estratehiya na maaari nilang gamitin.
- Naipahahayag nila at nailalawaran ang kanilang nararamdaman tulad ng lungkot, galit, pagkabahala, nalilito at natatakot at naipaliliwanag ang dahilan ng mga iyon at maaaring humiling ng tiyak na kaginhawahan.
- Minsan ay nahuhulaan nila ang mga nararamdaman kung ano ang mangyayari sa tiyak na mga sitwasyon “Kapag sinaktan niya ako, malulungkot ako at Ayokong makipaglaro sa kanya.”
- Nailalarawan din nila ang pakiramdam ng ibang mga bata at minsan ay natutukoy ang dahilan kung bakit nila nararamdaman iyon. “Galit si Theo dahil giniba ni Laurene ang mga bloke niya.”
- Nakapagbibigay sila ng kaginhawahan at minsan ay nagpapakita ng awa sa iba, lalo na kung hindi sila direktang sangkot sa hindi pagkakaunawaan.
Ano ang kanyang natututunan tungkol sa ibang tao at sa relasyon?
- Ang pagkakaibigan ay mahalaga sa tagumpay sa pag-aaral ng mga bata at sa buhay.
- Ang kanilang lumalagong kakayahan upang makipag-usap at makipagkasundo sa kanilang mga kaibigan ay nagpapahintulot sa kanila na maglaro sa matagal na panahon at sumali sa mas mahirap na uri ng laro. Kasama ang mga kaibigan naiisip nila na nasa sasakyang pangalangaang sila na naglalakbay sa kalawakan at nagtatrabaho ng magkakasama upang gawin ito yari sa mga kahon ng cardboard.
- Naikukumpara nila ang kanilang mga kaibigan sa kanilang sarili, “Si Daniel ang pinakamabilis tumakbo, ngunit kaya kung magtayo ng pinakamataas.”
- Nabubuo ang kanilang natatanging pagkakaibigan sa tiyak na mga bata at gumagamit ng mga salitang “matalik na kaibigan.”
- Pinag- aaralan parin nila kung ano ang kahulugan ng “pagkakaibigan” at iniisip na kapag sila ay galit sa isang tao, hindi na sila magkaibigan kailanman.
- Mayroon silang ilang mga kakayahan upang sumali sa laro ng ibang mga bata. Maaari silang manood sandali, magsimulang maglaro sa katabi ng iba o maaaring humiling na maglaro sila –iminumungkahi kung maaari silang maging “tatay” sa laro na nagkukunwaring pamilya.
- Mayroon silang kakayahan sa pagkikipagkasundo at maaaring gamitin iyon upang lutasin ang hindi pagkakaunawaan sa mga kaibigan. Madalas silang nagbabahagi ng kanilang mga laruan at mga gamit sa laro sa ibang mga bata, ngunit naroon parin ang pakikipagkasundo tungkol sa “sino ang nauna dito” at gaano katagal bago ibalik.”
- Nagbibigay sila ng direksyon sa iba sa paglalaro, “Dapat ikaw ang zookeeper, at kami ang magiging hayop,” at minsan ay sinusunod ang mga direksyon mula sa iba. Ngunit sa ilang pagkakataon sila ay naiinis at natatakot na iwan ang paglalaro kapag hindi ginawa ng mga tao ang nais nilang gawin.
- Nakakisali sila s mga aktibidad ng grupo kasama ang ilang mga bata at madalas ay naghihintay habang oras nila para magsalita.
- Gusto nilang malaman kung ano ang mangyayari at kapag binigayan ng impormasyon sa darating na transisyon, maaaring aktibong makibahagi.
- Ang mga magulang at guro ay napakahalaga sa kanila bilang mga mapagkukunan ng kaginhawahan at impormasyon, ngunit nagtitiyaga sila sa direksyon ng matanda o sinsubukan makipagkasundo, sinasabi na “Lilinisin ko ang aking mga laruan kung makakapanood ako ng video.”
- Mukha silang masigasig na gumawa ng desisyon at ipagpatuloy gawin ilang “pagsubok” upang makita kung ang matanda ang nakatalaga parin sa pagdedesisyon.
- Nagsisimula nilang sundin ang mga patakaran at nagbibigay paalaala sa ibang mga bata ng mga patarakan, kahit na walang matanda sa malapit, ngunit minsan ay kailangan parin na paalalahanan na sundin ang mga patakaran.
Narito ang ilang mga tip upang suportahan ang iyong anak na matuto tungkol sa kanyang sarili bilang tao, matuto tungkol sa ibang tao at matuto tungkol sa kanyang nararamdaman:
Pag-aaral tungkol sa kanyang sarili
- Isali ang mga bata sa tunay na gawaing bahay tulad ng pagtitiklop ng damit, paghuhugas ng sasakyan, pagkuha ng mga resiklo, paglalagay sa dishwasher, pagpapakain ng aso. Kung pinaiikot mo ang mga tungkulin upang palagian niyang matutunan na gawin ang bagong gawain, magiging mas interesado siya at matututunan din ang iba’t ibang mga kakayahan.
- Dahan-dahan siyang kausapin tungkol sa kanyang natututunan at ipakita ang interes sa kanyang bagong kakayahan. Ipinababatid nito sa kanya na ikaw ay interesado sa kanya bilang tao. Tiyakin “Natuto kang sumakay sa bisikleta, gamit ang iyong balanse. Nakita ko kung gaano ka katagal nagsanay para makuha ito.” Mas makatutulong ito sa iyong anak kaysa sa papuri tulad ng, “Napakaganda ng ginawa mo,” na hindi ipinababatid sa kanya na talagang tinitingnan mo siya.
- Ngayon na mas abala ang iyong anak sa mga kaibigan, mga laruan at elektronikong laruan, mas mahalaga na magplano ka ng karaniwang oras upang ilaan kasama siya. Kailangan parin niya na makausap ka, magbasa kasama ka, gawin ang inyong paboritong gawain ng magkasama at yumakap sa iyo.
- Siya ay puno ng mga tanong at gumagawa ng ilang mga nakakatuwang obserbasyon tungkol sa mundo. Ibinibigay din niya ang kanyang opinyon tungkol sa mga bagay, mahalagang hingin sa kanya ang kanyang opinyon. (anak sa tatay) “Tatay, ang taong iyon ay tumawid sa kalsada, ngunit ang ilaw ay pula.” (tatay sa anak) “Napansin ko rin iyon. Ano sa tingin mo ang tungkol doon?Ito ay nagbibigay sa kanya ng pagkakataon na subukan ang kanyang mga teorya, upang ilagay ang kanyang mga ideya sa salita at magsanay sa kanyang kakayahan sa pangangatwiran.
- Kaya niyang takayin ang mahirap unawaing mga ideya ngayon. Maaari mo siyang kausapin tungkol sa ilang mga asal na mahalaga sa iyong pamilya, halimbawa, kabaitan, pakikipagkaibigan, pakikinig, kooperasyon, atbp. Maaari mo siyang tanungin tungkol sa mga ideyang ito at ikwento sa kanya ang mga pagkakarawan ng ganitong asal.Ang mga araw-araw na talakayang ito ay nagbibigay sa iyo ng pagkakataong maturuan ang iyong anak tungkol sa mga pinapahalagahang prinsipyo at paniniwala ng iyong pamilya at kultura at nagbibigay sa kanya ng pagkakataon na “ipahayag ang iniisip” sa inyo tungkol sa kanyang lumalawak na pang-unawa sa mga bagay-bagay.
- Sa kanyang pagtatangka na “lumaki” maaari niyang ipilit na gawin ang mga bagay na sinabi mo na gawin niya.
- Kahit na kailangan mo siyang pigilan o magtakda ng limitasyon, dapat mong ipaalam sa kanya na nauunawaan mo ang kanyang ideya. Kapag tumanggi siyang maglinis ng kotse, kahit na pagkatapos mong bigyan siya ng babala, maaari mo siyang kausapin sa mga sumusunod na paraan:
- “Oras na para itago mo ang iyong mga awto ngayon” (positibong limitasyon)
- “Alam ko kung gaano mo gustong makipaglaro sila.” (kinikilala ang kanyang ideya)
- “Kailangan natin silang itago upang hindi masira o mawala.” (pagbibigay ng impormasyon)
- “Handa ka na bang itago ang mga iyon ngayon o gusto mong maglaro pa ng hanggang 5 minuto pa?”(pagpipilian)
- “Paano natin ito gagawin? Itatago ba natin ang mga iyon ayon sa kulay o uri ng awto?” (humihingi ng ideya)
- “Alam kong gustong gusto mo na laruin ang iyong mga awto, at kailangan nila na itago na ngayon. Kung hindi mo sila itatago iyan ngayon, Itatago ko sila sa buong araw at susubukan uli bukas.” (huling limitasyon at paala-ala kung kinakailangan)
Pag-aaral tungkol sa sariling nararamdaman
- Palaging maglaan ng oras upang kausapin tungkol sa nararamdaman at tanungin siya tungkol sa kanyang nararamdaman.
- “Kumusta ang araw mo? Saan ka naging masaya? Nagalit ka ba tungkol sa isang bagay? May nangyari bang malungkot? Anong paborito mong bahagi ng araw?”
- “Ano sa tingin mo ang pakiramdam ng iyong kaibigan noong hindi nakipaglaro si Derek sa kanya?”
- Kapag ibinahagi niya ang kanyang nararamdaman sa kanyaat mga karanasan saiyo, maaari kang makinig sa kanyang mga ideya at kausapin siya tungkol doon.
- Tulungan siyang maunawaan ang kanyang nararamdaman sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pangalan kung wala siyang mga salita para sa mga iyon.
- “Mukhang malungkot ka.”
- “Nakakainis kapag sinubukan mo na magtayo ng tore at laging bumabagsak.”
- “Nakikita ko kung gaano ka natutuwa na pupunta ka sa bahay ng iyong kaibigan.”
- Tulungan siya na humanap ng ligtas na paraan upang ipahayag ang kanyang nararamdaman.
- “Mukhang nagagamit ka sa iyong kaibigan. Maaari mo bang sabihin sa kanya kung ano ang ikinagagalit mo?”
- Hindi ligtas na saktan mo ang isang tao kung ikaw ay galit? Ano pang iba ang iyong magagawa kung ikaw ay galit na ligtas para saiyo at sa mga tao na nakapaligid sa iyo?
- Kung natatakot ang iyong anak, manatili sa tabi niya at bigyan ng kaginhawahan. Minsan ayaw ng iyong anak na alisin siya mula sa nakakatakot na sitwasyon, ngunit gusto niya na nandyan ka para tumulong. Kung siya ay takot sa halimaw, maaari mo siyang tanungin kung ano ang ikinababahala niya. Maaaring gusto niya na gumuhit ng larawan ng halimaw na kinatatakutan niya. Maaari mo siyang tulungan na gumawa ng mga larawan mula sa aklat (idikit ito ng magkakasama) at isulat ang mga salita para sa kwento. Maari mo siyang tanungin kung ano ang makakapagpabuti sa kanyang pakiramdam. Ang pagtalakay sa mga bagay na kinatatakutan niya ay makatutulong sa kanya na makuha ang kadalubhasahan at kaalaman at makatutulong sa kanya na maramdaman na ang takot ay mas napamamahalaan niya.
- Ipaalam sa kanya na ang lahat ng kanyang nararamdaman ay malusog at makikinig ka sa kanya o tinatanggap ang kanyang nararamdaman. Ito ay nagpapahintulot sa kanya na pagkatiwalaan ka niya ng kanyang nararamdaman at hindi maramdaman na kailangan niyang itago ang nararamdaman sa iyo, at magtakda ng estado upang ibahagi niya ang kanyang nararamdaman sa iyo sa matagal na panahong darating.
Pag-aralan ang tungkol sa ibang tao
- Magbigay ng pagkakataon na makipaglaro siya sa ibang mga bata (sa park, sa kapitbahay o pamilya, sa childcare o mga gawain ng komunidad).
- Palaging tingnan kung siya ay nakikipaglaro sa ibang mga bata. Maaaring kailanganin niya ng tulong sa pakikipagkasundo, pagkikinig sa mga ideya ng kaibigan, pagsasabi ng kanyang sariling ideya at nararamdaman at paggawa ng solusyon kung may hindi pagkakasundo. Maaari din na kailanganin niya ng tulong sa kaligtasan, dahil siya at ang kanyang mga kaibigan ay maaaring matuwa tungkol sa pagsubok ng bagong mga bagay at hindi lagi alam kung paano gumawa ng ligtas na desisyon.
PAGBUBUO NG PANANALITA AT KARUNUNGANG BUMASA AT SUMULAT
48 BUWAN (4 TAON) HANGGANG 60 BUWAN (5 TAON)
Paano natututong magsalita ang mga bata?
- I-download ang PDF na bersyon ng sungguniang naipi-print na ito
- Pakinggan ang audio file na ito para mapakinggan ang tungkol sa mga halimbawa ng paano natututo ang mga bata tungkol sa lengguahe para sa lahat ng edad 48 buwan (4 taon) hanggang 60 buwan (5 taon) kasunod ng talakayan ng grupo ng magulang
- Panoorin ang video file na ito para mapanood ang mga halimbawa ng paano natututo ang mga bata tungkol sa lengguahe para sa lahat ng edad 48 buwan (4 taon) hanggang 60 buwan (5 taon) kasunod ng talakayan ng grupo ng magulang
Buod ng Lengguwahe at ng Kakayahang Bumasa’t Sumulat
Ang mga bata ay isinilang na handang makipag-usap at matuto ng lengguwahe. Sa pakikinig sa mga usapan ng kanilang pamilya, sa kalaonan masisimulang tukuyin ng mga bata ang mga pamilyar na tunog at bumuo ng mga bukabyularyo ng mga salita na naiintindihan nila, bago pa sila makapagsalita. Ang kakayahan ng mga bata na makaintindi ng lengguwahe ay tinatawag na “receptive language.”
Sa una, ang mga sanggol ay nakikipag-usap sa pamamagitan ng paggawa ng mga tunog, hal., pag-iyak, at sa pamamagitan ng mga galaw. Sa paglapit nila sa edad na bagu-bago pa lamang maglakad, nagsisimula silang gumamit ng mga ilang salitang pamilyar at, sa 4 at 5 taon, marami na silang bokabularyo at nasusunod na ang mga panuntunan ng gramatika kapag sila’y nakikipag-usap gamit ang lengguwahe. Ang kakayahan ng mga bata na gumamit ng lengguwahe upang masabi ang kanilang mga iniisip, ideya, at pakiramdam ay tinatawag na “expressive language” (o makahulugang pananalita).
Habang natututo ang mga bata ng mga salitang binibigkas , sila din ay natututo ng mga nakasulat na salita– sa pamamagitan ng mga libro, signs, at mga sulat. Bago matuto na magbasa ng mga salita, natututunan ng mga bata na ang mga nakasulat ay mga kumakatawan sa mga salita at bago magsulat, sila ay natututong gumawa ng mga marka at gumuhit ng mga larawan. Sa oras na sila’y tumungtong sa 5 taon, maiintindihan nila na binubuo ng mga letra ang mga salita at ang mga salita ay makakagawa ng mga kuwento na matututunan nilang basahin. Maraming mga 5 taong gulang na nakakabasa at nakakasulat na rin ng kanilang sariling pangalan.
Pagbubuo ng Pananalita at Karunungang Bumasa at Sumulat
Panimula
Paano natututo ang mga bata ng wika at magsimulang maunawaan ang binabasa at isinusulat?
- Mga edad 5-taon, ang mga bata ay may kakayahang magsabi ng kanilang mga ideya at nararamdaman, magtanong, at maintindihan kung ano ang sinabi sa kanila. Kaya na nilang magkuwento tungkol sa mga bagay na nangyari sa nakaraan at mangyayari sa hinaharap.
- Nakikisali sila sa mahabang pakikipag-usap sa iba, sumasagot ng wasto at kadalasan ay nananatili sa paksa.
- Nakapagkukwento sila at naiuugnay ang mga pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Karaniwan ay kaya niyang kilalanin ang kaibhan sa pagitan ng katha at mga tunay na pangyayari sa kanilang mga kwento.
- Mga edad 5-taon, gusto ng mga bata na maglaro ng mga tunog ng salita, gumawa ng mga kalokohang tugma.Gusto din nila na gumawa ng “walang kwentang” mga salita at minsan ay nag-eeksperimento ng “baliw” na wika.
- Sa edad na 5 taon, nauunawaan ng mga bata na ang mga titik at nagsisimulang kopyahin o isulat ang mga iyon.Karamihan ay natututong magsulat ng kanilang mga pangalan at nagsisimulang makilala ang ilang mga paboritong salita. Interesado sila na gumuhit at magsulat, at karamihan ay kayang kopyahin ang mga salita kapag isinulat mo muna ito.
- Mga edad 5-taon, nagkukunwari din ang mga bata na nagbabasa ng mga aklat, maaaring kilalanin ang mga tiyak na salita at isaulo ang kwento, gayundin ang mga alam na kanta.
Pag-unlad ng Bilingguwal na Wika
Paaano natututo ng wika ang mga bata sa bilingguwal o hindi nagsasalita ng Ingles na pamilya?
- Ang mga maliliit na bata ay lubhang bihasa sa pagsasanay ng wika at may kakayahan na matutunan ang dalawa o higit pang mga wika kahit na bago sila magsimulang pumasok sa paaralan.
- Ang kapamilya na nagsasalita ng wika sa bahay bukod sa Ingles ay maaring gamitin ang kanilang sariling wika bilang pangunahing wika sa mga bata. Ang pag-aaral sa kanilang sariling wika ay nakatutulong sa mga bata na maramdaman na konektado sila sa kanilang pamilya at kultura. Maaari silang matuto ng Ingles sa parehong oras kung ang pamilya ay bilingguwal o maaari silang matuto ng Ingles kapag nasimula sila sa childcare o paaralan.
- Tumutulong ang kapamilya sa pag-aaral ng wika sa pamamagitan ng pagsasalita, pagbabasa at pag-awit sa kanilang mga anak sa kanilang sariling wika. Sa ganitong paraan ang mga bata ay natututo ng mga salita at kakayahan sa wika na makatutulong sa kanila kapag nagsimula silang mag-aral ng Ingles.
- Suriin ang iyong lokal na aklatan para sa mga aklat sa iyong sariling wika.
- Ang mga batang may kakayang ito na maging bilingguwal sa batang edad ay makikinabang mula sa paggamit ng dalawang wika sa buong buhay nila.
Pakikinig at Pagsasalita
Paano nakatutulong ang pagsasalita at pakikinig sa bata na matuto ng wika?
Ang paggamit ng wika at pakikibahagi sa usapan ay napakahalagang unang hakbang upang matutunan ang pagbasa at magtagumpay sa paaralan. Mas maraming naririnig na salita ang mga bata at mas malawak na bokabularyo, mas mahusay sa pag-aaral. Ang mga bata ay masisigasig na mag-aaral ng wika at nabibighani sa kapangyarihan ng wika…
- upang ipahayag ang kanilang mga pangangailangan, nararamdaman at ideya
- upang ibahagi ang kanilang personal na karanasan sa iba,
- upang gawin ang mga bagay,
- upang kumuha at magbigay ng impormasyon,
- upang lutasin ang mga problema at siyasatin ang mga ideya,
- upang tulungan sila na magkaroon ng ugnayan sa mga tao,
- upang lumikha at magsabi ng mga kwento.
- upang gumawa ng plano para sa mga bagay na nais nilang gawin
- upang hikayatin ang iba o ipangtanggol ang kanilang punto
Ang mga bata ay natututo ng wika sa pamamagitan ng pakikinig, pagsasalita, pagsasanay ng mga bagong salita, pakinggan at sagutin. Ang mga bata ay natututo ng maraming salita kapag gumamit ka ng mga bagong salita sa kanila. Ang kapamilya ay napakaraming oportunidad araw-araw upang tulungan ang mga bata na matuto ng wika.
Narito ang ilang mga tip upang makatulong sa pag-unlad ng wika ng iyong anak at interes sa pagbabasa:
- Makatutulong ka sa pag-unlad ng wika ng iyong anak sa oras ng iyong pang-araw araw na gawain. Ang wika ay hindi bagay na dapat ituro sa “espesyal na pag-aaral.” Kapag kinakausap ng kapamilya ang mga bata likas silang nagtuturo ng wika.Mas maraming wika ang ginagamit ng kapamilya sa mga bata, mas maraming natututunan ang mga bata.
- Sa sasakyan, sa tindahan, sa paglalakad, sa bahay habang ginagawa ang gawaing bahay, habang naglalaro ang bata, habang kumakain, o sa pagtulog.
- Pag-usapan kung
- Ano ang tinitingnan mo,
- ano ang ginagawa nila,
- ano ang ginagawa mo,
- ano ang ginawa mo kanina,
- ano ang gagawin mo mamaya. Kapag pinag-usapan mo ang mga bagay na madali at kilala, mas mauunawaan ng mga bata ang wika dahil may nakikitang palatandaan at mga karanasan upang itugma ang iyong mga salita.
- Magdagdag ng ilang bagong naglalarawang mga salita kapag nakikipag-usap ka sa mga bata. Isa sa mga paraan na karaniwan nating ginagawa upang bumuo ng bokabularyo ang bata ay sa pamamagitan ng pagpapakilala ng bagong salita kasama ang pamilyar na mga salita na alam na nila at may nakikitang palatandaan upang mas madali nilang maunawan ang mga bagong salita.
- “May aso.”
- “May malaki, tumatalbog na aso.”
- “May malaki, tumatalbog, kulot ang buhok na aso na inaamoy ang bato at winawagwag ang kanyang buntot.”
- Ibahagi ang mga kwento sa kanila. Ang mga kwento ay nagbibigay saiyo ng pagkakataon na ibahagi kung ano ang mahalaga saiyo, kung ano ang pinahahalagahan mo at ano ang palagay mo tungkol sa mga bagay. Ang mga kwento ay makatutulong sa mga bata na maramdaman na konektado sila saiyo at maglaan para sa pag-aaral ng wika.
- Gusto ng mga bata na marinig ang mga kwento mula sa iyong kabataan. Ang mga kwentong ito ay nagtuturo sa kanila tungkol sa kasaysayan, pamilya at kultura.
- Ang mga kwento ay maaaring tungkol sa iyong araw, sa mga bagay na interesado ka. Maaari kang gumagamit ng mga kwento upang tandaan at ibalik sa panahon ng iyong anak.
- Hindi kinakailangang mahaba ang mga kwento. Maaaring naglalaman sila kung ano ang nangyari, ano ang nararamdaman ng anak mo tungkol dito, paano nalutas ng mga tauhan ang problema, ano ang katulad nito para saiyo upang maging bata.
- Maaari kang gumamit ng mga kwento upang ilarawan ang mga ideya na iyong pinahahalagahan, halimbawa, pagtitiyaga, pagiging malikhain, pakikiramay, pagkamapagbigay, mapag-alaga, katapangan, pagtutulungan.
- Tanungin ang mga bata ng mga tanong. Ang pagtatanong sa mga bata ay nagbibigay sa kanila ng pagkakataon na makita at isipin kung ano ang alam nila at nag-aalok din sa kanila ng oportunidad na magsanay sa pagpili at pagbigkas ng mga salita. Nagpapahintulot din ito sa kanila na malaman ang kahalagahan ng kanilang mga ideya.
- Tanungin sila tungkol sa:
- ano ang nakikita nila,
- ano ang ginagawa nila,
- ano ang iniisip nila,
- ano ang nararamdaman nila,
- ano ang gusto nila,
- ano ang nangyari kanina,
- ano sa tingin nila ang mangyayari.
- Tanungin sila ng mga karagdagang tanong. Kapag may sinabi sila saiyo, maaari mo silang tanungin para sa higit pang detalye Tanungin sila ng maraming tanong, subukan sila na mag-isip ng mas malalim tungkol sa kung ano ang alam nila at maghanap ng mga salita na naglalarawan dito. Ang pagsagot sa iyong mga tanong ay isang paraan para maunat ang kanilang pangwikang kalamnan.
- “Wow, ikaw at si Rigo ay naglaro ng mga dragon. Ano ang ginawa ng mga dragon? Sabihin mo sa akin ang higit pa tungkol sa mga dragon.Paano sa tingin mo pinalalabas ng dragon ang apoy sa kanilang mga bibig?”
- “Gumuhit ka ng spaceship? Ano ang nasa loob ng spaceship? Paano lumilipad ang iyong spaceship? Saan pupunta ang iyong spaceship? Sabihin mo saakin ang higit pa tungkol sa spaceship.”
- Magtanong ng mga tanong na nagpapahintulot sa mga bata upang lumikha ng kanilang sariling sagot (iwasan ang mga tanong na may oo o hindi na sagot) Kapag tinatanong natin ang mga bata na walang “wastong sagot,” maaari silang maging malikhain at maingat sa kanilang sagot, sa halip na basta lamang subukan na alamin kung ano ang nais mong sabihin sa kanila.
- Narito ang ilang mga halimbawa ng mga tanong na maaaring humantong sa mas mahaba o maikling pag-uusap.
- “Ano ang pinaka-nakakatawang ginawa mo ngayon?” (walang limitasyon—mahabang pag-uusap)
- “Nasiyahan ka ba sa paaralan ngayon?” (oo/hindi o tanong na may limitasyon —maikling pag-uusap)
- “Ikuwento mo saakin ang tungkol sa iyong kaibigan na si Theo.” (walang limitasyon – mahabang pag-uusap)
- “Gusto mo ba si Theo?” (oo/hindi o tanong na may limitasyon —maikling pag-uusap)
- Maaari mong anyayahan ang iyong anak na sagutin ang tanong na itinanong mo. Karaniwan, ang mga bata ay mayroon ng hula kapag tinanong mo sila. Ang pagtatanong sa mga bata kung ano sa palagay nila ay humihimok sa kanila na isalin ang kanilang mga iniisip sa mga salita at nagbibigay sa kanila ng higit na pagkakataon upang makipag-usap saiyo.
- “Nakawiwiling tanong iyan. Sa tingin mo, paano nakaakyat ang mga bituin sa langit?”
- Makinig sa mga bata.Ang mga bata ay patuloy na magsasalita kapag alam nila na ikaw ay nakikinig. Ang higit na pagsasalita ay nagbibigay sa kanila ng higit na pagsasanay sa wika.
- Maaari mong ipaalam sa kanila na ikaw ay nakikinig kung
- tumitingin sa mata,
- nagbibigay ng puwang upang sila ay magsalita o tapusin ang kanilang sinasabi,
- isara ang TV,
- pagkakaroon ng “panahon sa pag-uusap” nang palagian (halimbawa, pag-upo sa sopa na magkatabi, paglalakad na magkasama, magkayakap matulog)
- pag-uulit o pagsasabing muli ng sinabi nila upang ipaalam sa kanila na narinig mo sila,
- pagtatanong,
- pagpapasalamat sa kanila sa pagbabahagi ng kanilang mga ideya o kwento saiyo.
- Maaari kang gumamit ng teknolohiya upang tulungan ang pag-unlad ng wika ng iyong mga anak
- Gamitin ang iyong phone upang irekord ang mga salita at kwento ng iyong mga anak. Kapag pinatunog mo ito pag-usapan kung ano ang sinabi nila.
Pagbabasa
Paano natututong bumasa ang ang mga bata?
- Kapag nagbabasa ka kasama ang iyong anak sinisimulan mo na buksan ang mga bagong mundo nila. Ang pagbabasa ay nagpapahintulot sa kanila na matuto tungkol sa sa makapangyarihang anyo ng komunikasyon at bigyan sila ng daan sa lahat ng uri ng impormasyon.
- Karamihan sa mga bata ay gustong ibahagi ang kanilang aklat sa kapamilya. Ang pagbabasa nito sa iyong anak ay pinakamahalagang bagay na magagawa mo upang tulungan sila na matutong bumasa at maging matagumpay sa paaralan.
- Ang pagbabasa ay hindi lamang nangyayari sa mga aklat. Ang mga bata ay nabibighani sa mga karatula, etiketa, tagubilin, tala, sulat at email. Ang kaalaman sa maraming gamit ng mga iyon sa pagbabasa ay nakatutulong sa mga bata na mas maging tuwang-tuwa tungkol sa pag-aaral magbasa.
- Ang maagang karanasan sa pagbabasa para sa mga bata ay simula upang matuto ang mga bata na kilalanin ang mga larawan at imahe. Natututunan nila na ang mga larawan at imahe ay maaaring bigyan ng pangalan at pag-usapan ito. Natututunan din nila na ang mga kwento ay maaaring pag-usapan ang tungkol sa mga larawan sa aklat. At sa huli ay natututunan nila na ang mga titik sa pahina ay nagsasabi sa kwento tungkol sa mga larawan at inilalarawan ang mga iyon. Halimbawa, nagsisimula sila na unawain na may ugnayan sa pagitan ng lawaran ng mansanas at ang mga titik na m-a-n-s-a-n-a-s sa pahina— na ang mga titik ay kumakatawan sa kaisipang mansanas.
- Kapag nakikilala ng mga bata ang mga aklat, natututo sila ng maraming bagay:
- Ang mga aklat na iyon ay mahalaga (dahil sila ay mahalaga saiyo!) at dahil ang mga ito ay may maraming kawiliwiling impormasyon.
- Paano mo gamitin ang aklat—hawakan ito, buklatin ang mga pahina, pag-usapan ang bawat pahina,
- Paano mo ito gagamitin sa iba o saiyong sarili,
- Nasaan ang kwento (Nasa mga larawan ba ito o sa ilalim ng pahina o nasa alaala ng taong nagbabasa nito?)
- Paano iayos ang mga aklat (Ang mga pamagat at pangalan ng may akda ay nasa unahan at ang kwento ay nasa loob)
Mga tip kung ano ang magagawa ng kapamilya upang tulungan ang mga bata sa mga aktibidad na paunang pagbabasa:
- Tingnan ang mga larawan at imahe kasama ang mga bata at tanungin sila kung ano ang nakikita nila at pag-usapan kung ano ang nakita. Makatutulong ito sa mga bata na linangin ang kanilang kakayang magmasid at bigyan sila ng pagkakataon na magsanay at palawakin ang kanilang bokabularyo.
- Tanungin sila kung ano sa palagay nila ang nangyayari sa larawan. Ito ay nagbibigay sa mga bata ng pagkakataon na magsanay sa pagkukwento ng kanilang sariling kwento at makatutulong sa kanila na mag-isip ng sarili bilang mga tagapagkwento at manunulat.
- Pansinin ang mga salita sa kapaligiran at ituro ang mga iyon sa mga bata. Kapag itinuro natin ang mga lugar na ang mga salita ay ginagamit sa mundo,magsisimulang makita ng mga bata ang kahalagahan ng pagsusulat ng salita at mararamdaman ng mas nagaganyak na matutunan kung paano basahin ang mga salitang iyon.
- Kung ikaw ay nakasakay sa sasakyan, maaari mong kausapin ang iyong anak tungkol sa mga karatula sa daan.
- Sa tindahan ng groseri, maaari kang tulungan ng mga bata na “basahin” ang mga tatak sa mga lata at pakete. Ang pag-uusap tungkol sa mga larawan ay makatutulong sa karanasan ng mga bata ang pakiramdam ng nagbabasa.
- Basahin sa kanila ang isinusulat mo. Kung makikita ng mga bata ang proseso sa pagsusulat at maririnig kung ano ang ibig sabihin nito, mas mauunawaan nila ng malinaw ang kaugnayan sa pagitan ng pagsusulat ng liham at pagbibigay ng mensahe.
- ” Gumagawa ako ng listahan para sa tindahan ng groseri. Ang sabi dito, ‘keso,’ at ito pa ang sabi nito, ‘bigas.’ Anong uri ng prutas ang dapat nating ilagay sa listahan ng bibilhin?”
- ” Gumagawa ako ng sulat sa iyong guro na nagsasabi na pupunta tayo sa bayan sa isang linggo.”
- Basahin ang mga nota at titik ng malakas sa kanila.
- Narito ang liham na isinulat ng iyong guro. Sabi dito, “Mga minamahal naming pamilya…..”
- Ituro ang salita na iyong binabasa.
- Ang pagtuturo sa mga salita ay nakatutulong sa mga bata na maunawaan kung paano ang binibigkas na salita ay nauugnay sa mga nakasulat na salita.
- ” Ito ay liham mula kay lola. Ito ang sabi niya, ‘Mahal kita.’ Ito ang sabi niya, ‘Pupunta ako diyan para bisitahin ka.’”
- Basahan din sila ng mga email at mga tekstong mensahe. Kung minsan ang mga salita na nasa screen ay hindi nakikita ng mga bata. Ang pagpapakita sa kanila ng mga salitang ito ay nakatutulong sa kanila kung paano ang teknolohiya ay maaaring magdala ng mga nakasulat na salita at komunikasyon.
- Marami sa mga salita sa kanilang paligid ay elektroniko, at maaari rin na magbigay ito ng mga pagkakataon para sa mga aktibidad ng paunang pagbabasa.
- Maghanap ng mga pagkakataon na isulat ang mga salita. Ang pagsusulat ng mga salita ng iyong anak ay isa sa pinakamahalagang bagay na iyong gagawin upang patunayan sa kanila ang kapangyarihan ng pagsusulat at pagbabasa. Kapag ang kanilang sariling salita ay maaaring “itago” at ibahagi sa ibang tao at sa iba’t ibang pagkakataon, mararamdaman nila ang kapangyarihan ng pagsusulat at pagbabasa.
- Kung nalulungkot sila na magpaalam sa kanilang kaibigan, maaari mong imungkahi sa kanila na baka gusto nilang sumulat ng liham. Maaari silang gumuhit ng larawan at sabihin saiyo kung ano ang dapat isulat. Sa oras na maisulat mo ang mga kanilang mga salita, basahin ang mga iyon sa iyong anak.
- Kung magdaraos ng kaarawan ang kanilang kaibigan, maaari silang tumulong gumawa ng card – sa pamamagitan ng pagguhit at pagsasabi saiyo ng mga salita na isusulat.
- Kung may itinayo sila at nais na itago ito, maaari mo silang tulungan na gumawa ng karatula (gamit ang mga salita) upang iteyp sa kanilang estruktura.
- Ihanda ang mga kagamitan upang magamit nila sa pagguhit (mga lapis, pen, marker, chalk). Kapag gumuguhit sila, maaari mo silang tanungin kung nais nilang sabihin saiyo ang tungkol dito. Maaari mong isulat ang kanilang “kwento” sa post-it note at pagkatapos ay itanong sa kanila kung nais nilang basahin ito sa kanila. Ang mga gamit sa pagguhit ay nagbibigay sa kanila ng pagkakataon na magsanay kung paano gumawa ng linya at mga hugis – ang kakayahan na sa huli ay kakailanganin nila sa pagsusulat. Kahit na ang pagguhit ng mga larawan ay nagbibigay sa kanila ng pakiramdam na kakayahang ipahayag ang kanilang mga ideya sa iba’t ibang paraan, at maaari silang magsimulang magkaroon ng karanasan na maging “may-akda” sa kanilang sarili.
- Basahan ng aklat ang iyong anakAng pagbabasa ng aklat sa iyong anak ay hindi lamang nagbibigay sa kanila ng pagsasanay sa lahat ng mga kakayahang kinakailangan sa pagbabasa, ngunit sinasabi din nito sa kanila kung gaano kahalaga ang pagbabasa para saiyo.
- Magbigay ng iba’t ibang aklat ng bata sa salansanan o sa basket na maaabot ng bata
- Maaari kang gumawa ng palagiang pagdalaw sa aklatan o bookstore upang kumuha ng mga aklat para sa iyong anak
- Kabilang ang pagbabasa bilang palagiang aktibidad sa iyong anak (humanap ng oras araw-araw kung kailan maaari mong basahin ang mga aklat sa iyong anak.)
- Isara ang TV upang magkaroon ng oras para sa pagbabasa.
- Basahin ang libro ng higit sa isang beses sa iyong anak. Karaniwang gusto ng mga bata na basahin ang parehong aklat ng maraming beses.
- Pag-usapan mo ng iyong anak ang aklat.
- Bago buklatin ang pahina, tanungin ang iyong anak kung ano sa palagay niya ang mangyayari sa susunod.
- Gayundin sa pagbabasa ng mga salita, maaari mong talakayin ang kwento at mga larawan sa iyong anak:
- “Ano ang nakikita mo sa pahina?”
- “Ano sa palagay mo bakit umakyat ang bata sa itaas ng puno?”
- “Ano ang gagawin mo kung ikaw ay nakasakay sa kabayong iyon?”
- Bago basahin ang isa sa mga paboritong aklat niya, tanungin siya kung gusto niya munang magkwento sayo.
- Minsan, kapag binabasahan ang iyong anak, maaari mong ituro ang mga salita habang binabasa mo ang mga iyon.
- Ipaliwanag sa iyong anak kung ano ang mga salita sa pabalat ng aklat. “Ito ang pamagat ng aklat. Ito ay nagbibigay ng ideya kung saan tungkol ang aklat.” “Ito ang pangalan ng may akda. Ang may akda ay ang taong nagsulat ng aklat. Ito ang pangalan ng ilustrador.
- Pag-usapan ng iyong anak ang mga titik at tunog.
- Ituro ang mga titik ng natatanging mga salita, tulad ng pangalan ng bata. “Ang iyong pangalan ay nagsisimula sa “S,” Sergio.
- Maglaro ng mga tunog at tugma. Gamitin ang mga kanta, tula o iba pang mga tugmang salita, matutulungan mo ang mga bata na makinig at ikumpara ang mga tunog sa mga salita.
- ”Maaari kang maglaro ng mga tugmang laro sa sasakyan. “Ang oso ay may itim na balahibo. Maaari ka bang mag-isip ng salita na katulad ng tunog ng oso at balahibo?”
Pagsusulat
Paano natututo ang mga bata na magsulat?
- Sa edad na 5 taon, maaari ng magsulat ang mga bata ng ilang mga titik. Maaaring maging malaki at masakop ang buong pahina; maaaring pahilig at nakabaliktad, ngunit ang mga ito ay panimulang hakbang sa aktuwal na pagsusulat ng salita.
- Maraming mga bata ang interesado na matuto kung paano isulat ang kanilang mga pangalan at minsan ay nais din nilang isulat ang pangalan ng kanilang mga kaibigan.Pinaka-nagaganyak ang mga bata na magsulat tungkol sa mga bagay na mahalaga sa kanila at maaaring maging mas interesado, isulat mo ang salita, “Triceratops,” para sa kanila upang kopyahin kaysa sa mas simpleng salita.
- Ang mga bata ay nagiging interesado sa pagsusulat sa iba’t ibang edad – ang iba ay mas maaga sa 3, at ang iba ay 6. Hindi mo kinakailangang “pwersahin” ang iyong anak na magsulat. Kung pinananatili mo ang oportunidad na bukas at may magagamit na mga pen, lapis at papel, ang mga bata ay magsisimulang magsulat kapag handa na sila.
- Kapag nagsimula ng magsulat ang mga bata, hindi nila kinakailangang baybayin ng tama ang mga bagay. Maraming mga bata ay nagsisimula na ilagay ang mga titik nang magkakasama batay sa kanilang mga tunog kapag nagsimula silang “magsulat”. Mas mahalaga na ang mga bata ay may oportunidad na magsanay gamit ang mga titik kaysa sa baybayin ang lahat ng salita ng tama.
Mga tip na dapat gawin ng kapamilya upang tulungan ang mga bata na magsulat:
- Magbigay ng iba’t ibang kagamitan sa pagsusulat at papel kung saan nakikita ito at naaabot nila. (Mga lapis, pen, may pinong dulo na marker, papel na may iba’t ibang sukat.) Madalas kailangan ng mga bata sa kanilang paglalaro ang mga larawan o gumawa ng karatula. Ang mga kagamitan na mayroon ay humihimok sa kanila na gamitin ang mga ito sa kanilang paglalaro ng mas madalas.
- Maaari mo rin na isama at iteyp ang mga piraso ng papel, upang makagawa ang mga bata ng karatula, sobre at makapagsulat ng mga titik o tala. Minsan gusto ng mga bata na magkaroon ng papel na may maluwang na linya sa pagsusulat.
- Lumikha ng paboritong “supot ng salita” para sa iyong anak na maaaring lagyan ng mga salita na hiniling ng iyong anak na isulat para sa kanila. Kapag makikitang muli ng mga bata ang mga salitang iyon, nagsisimula nilang malaman kung ano ang hitsura nila at maaaring magsimula na “basahin” sila.
- Maaari mong ilimbag o bumili ng tsart ng alpabeto upang ikaw at ang iyong anak ay tumingin dito kung nais niyang malaman kung paano baybayin ang isang bagay. Ang pagpapaskil ng alpabeto ay nakatutulong sa iyong anak upang tingnan ang mga titik sa kanilang sarili at makatutulong na maramdaman nila na maari silang magsulat mag-isa.
- Maaari kang mag-alok ng mga titik sa iyong anak. Ang pagkakaroon ng mga titik sa paligid ay nakatutulong na makilala ng bata ang kanilang mga hugis at nagpapahintulot sa kanya na simulang ayusin ang mga ito, kahit bago ito maisulat nila ng buo.
- May iba’t ibang uri ng titik na maaari mong bilihin, kabilang ang magnetikong mga titik na maaaring gamitin ng mga bata sa pridyeder, o maaaring isulat mo lamang ang mga titik sa maliit na piraso ng makapal na papel at ibigay sa kanila upang gamitin na gumawa ng mga salita.
- Anyayahan ang iyong anak na magsulat kasama mo kapag nagsusulat ka ng mga tala o gumagawa ng listahan. Gusto ng mga bata na maging matulungin at makibahagi sa mga gawain ng matatanda. Ito ay nagtutulak sa kanilang interes upang matuto ng higit tungkol sa pagsusulat.
- “Gagawa ako ng mga listahan ng bibilihin. Gusto mo bang tulungan ako?” Kung alam mo na maaaring sumulat ang iyong anak ng tiyak na mga titik, maaari mo siyang anyayahan na isulat ang mga iyon sa iyong listahan. “Isinusulat ko ang mansanas sa listahan na nagsisimula sa “M” tulad ng iyong pangalan. Gusto mo bang isulat ang “M” para sa akin?
- Alukin na magsulat ng mga kwentong pambata o mga salita.Ang pagsusulat ng kanilang mga ideya at pagbabasa sa kanila ng kanilang mga salita ay makapangyarihang na karanasan para sa mga bata sa pagiging epektibo sa pagsusulat upang magtaglay at magpahayag ng kanyang ideya.
- Kung may kaibigan o isang tao na nais nilang kausapin, maaari mo silang alukin ng tulong na gumawa ng liham.
- Kung gumuhit sila ng larawan, maaari mo silang tanungin kung nais nilang sabihin ang tungkol dito at isulat ang tungkol sa kanilang ideya
PAGKAKAINTINDI NG BILANG
48 BUWAN (4 TAON) HANGGANG 60 BUWAN (5 TAON)
Paano natututo ang mga bata tungkol sa mga bilang?
- I-download ang PDF na bersyon ng sungguniang naipi-print na ito
- Pakinggan ang audio file na ito para mapakinggan ang tungkol sa mga halimbawa ng paano natututo ang mga bata tungkol sa mga bilang para sa lahat ng edad 48 buwan (4 taon) hanggang 60 buwan (5 taon) kasunod ng talakayan ng grupo ng magulang
- Panoorin ang video file na ito para mapanood ang mga halimbawa ng paano natututo ang mga bata tungkol sa mga bilang para sa lahat ng edad 48 buwan (4 taon) hanggang 60 buwan (5 taon) kasunod ng talakayan ng grupo ng magulang
Buod ng Pagkakaintindi ng Bilang
Ang mga bata ay tumutuklas at nagsisimulang magsanay ng mga kakayahan na kailangan para sa matematika bago pa man pumasok sa elementarya. Sa mga unang taon ng buhay, ang mga bata ay natututong magbilang, kumilala ng mga hugis at modelo, naghahambing ng mga sukat at mga dami, at kumikilala ng mga pagkakapareho at kaibahan. Nakukuha ng mga bata ang mga kakayahang ito sa pamamagitan ng kanilang pagiging mausisa at naglalaro ng mga bagay at sa pamamagitan ng mga simpleng interaksyon sa mga matatanda. Ang araw-araw na interaksyon tulad ng pagbilang ng mga daliri sa kamay at paa ng isang matanda, pagbibigay ng dalawang pirasong saging, at ang pag-aayos ng bughaw at puting medyas sa iba’t-ibang tumpok ay nagdadagdag ng kakayahan ng isang bata sa matematika. Ang mga bata ay nagsisimulang makipag-usap tungkol sa mga dami ng mga bagay gamit ang mga salitang “mas marami” at “mas malaki.”
Habang sila ay lumalaki, sila ay natututong bumilang ng ilang mga numero. Lumalaki rin ang kanilang pang-unawa ng dami sa pamamagitan ng mga aktibidad tulad ng paglagay ng mga plato at mga baso sa mesa. Nalalaman nila kung paano ginagamit ng mga matatanda ang pagbibilang sa araw-araw na buhay at matututunan kung paano gamitin ng mga numero sa pamamagitan ng paggaya sa mga matatanda. Sa kabuuan ng mga unang taon, halos lahat ng mga bata ay natural na interesado sa mga numero. Mga masasayang aktibidad na may kinalaman sa mga numero ay nagpapatibay sa natural na interes ng mga bata at humihimok sa kanila na matuto pa tungkol sa mga konseptong pang-matematika.
Pagkakaintindi ng Bilang
Panimula
Ano ang natututunan ng mga batang preschool tungkol sa bilang?
Ang mga bata ay nagsisimulang magsanay ng kanilang kakayahan na kinakailangan ang aritmetika at matematika bago pa sila pumasok sa paaralang elementarya. Karamihan sa mga kasanayang ito ay nalinang sa pamamagitan ng kanilang sariling pinasimulan na paglalaro ng mga bagay at sa pamamagitan ng simpleng interaksyon sa mga matatanda.
- Ang mga bata ay natututong magbilang sa pamamagitan ng araw araw na interaksyon tulad ng paglalagay ng mga plato sa mesa, pagbibilang ng kanilang mga daliri upang sabihin saiyo kung ilang taon na sila, pagbibilang ng mansanas na kinakailangan upang magkaroon ang bawat isa.
- Karaniwang natututo ang mga bata kung paano sabihin ang 1-2-3-4-5 (minsan ay inilalagay ang mga bilang sa iba’t ibang ayos) bago nila malaman na ang bawat bilang ay kumakatawan sa isang bagay. Halimbawa, maaaring mayroon silang tatlong presa at bibilangin ang mga iyon ng 1-2-3-4-5, dahil hindi nila alam na ang bawat presa ay mayroon lamang na isang bilang. Habang nagsisimula ang bata sa ganitong konsepto, makikita mo na inihahanay niya ang mga hayop at binigbigyan ang bawat isa ng dahon upang kainin. Sa huli, natututunan nila na kapag binibilang mo ang isang bagay, bawat bagay ay may isang bilang.
- Nagsisimula din na maunawaan ng mga bata ang ideya ng marami at kakaunti at pinapansin kapag ang isang tao ay maraming cookies kaysa sa kanila, ngunit hindi nila lubos nauunawaan ang dami. Kapag mayroon silang isang cookie at ang kanilang kaibigan ay may isang cookie na hinati sa dalawa, iisipin nila na ang kanilang kaibigan ay may mas maraming cookies. Ang kanilang ideya tungkol sa marami at kakaunti ay nakakatulong sa kanila na matuto upang ikumpara ang higit pang dalawang bagay. Habang nakakukuha sila ng mas maraming karanasan, maisasaayos nila ang tatlong patpat mula sa pinakamaikli hanggang sa pinakamahaba o tatalong bola mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki.
- Ang mga batang nasa edad 5 ay nakapagbibilang na hanggang dalawampu, ngunit nakakalimutan ang ilang mga bilang (hal., 1-2-3-4-5-6-7-8-9-10-13-14-16-17-19-20). Nagbibilang sila habang tumatalon, o naghihintay upang sumagot o para lamang ipakita saiyo, “Kaya kong magbilang hanggang 20!”
- Nababasa nila ang ilang mga nakasulat na numero. “Tingnan ang mga numero sa gilid ng pahina. Iyan ay 6. Iyan ay 7.”
- Ang may limang taong gulang ay tumitingin sa mga bagay–hanggang 4—and sasabihin saiyo ang numero nang hindi binibilang. Sa pagbabasa ng aklat, maaari silang tumingin sa pahina at sabihin saiyo, “Ngayon ay may 4 na pato.” Sa oras ng miryenda, titingin siya sa kanyang plato at sasabihin, “Mayroon akong 4 na kraker sa aking plato.”
- Sa edad na 5 taon, ang mga bata ay karaniwang nagbibilang ng hanggang 10 bagay, itinuturo sa bawat isa kapag sinasabi ang numero. Naglalagay ng 10 patatas sa bag sa tindahan ng groseri, binibilang niya ang bawat isa habang inilalagay sa bag.
- Kapag nagbabasa, sinasabi saiyo ng mga bata sa ganitong edad kung ilang bagay ang mayroon sila, dahil nauunawaan nila na ang huling bilang na ginamit nila sa pagbibilang ay kabuuang bilang na mayroon sila. “Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim. Mayroon akong anim na pinecone!!” Binibilang din nila ang mga tao sa pamilya at binibilang ang dami ng napkin na kailangan upang bawat isa ay magroon ng isa.
- Sasabihin din nila saiyo na kapag maraming manika ang idinagdag sa kama ng manika, magiging mas marami. Kaugnay nito, kapag binilang nila ang dami ng patpat mayroon silang 8 at ang dami sa kanilang kaibigan ay 6, sasabihin saiyo na mayroon silang mas maraming kaibigan o ang kanilang kaibigan ay may mas kakaunti kaysa sa kanila. Kapag mayroon silang limang bloke at ang kanilang kaibigan ay may lima, sasabihin nila saiyo na pareho din silang mayroon.
- Ang mga limang taong gulang na bata ay nakagagawa ng simpleng pagdadagdag at pagbabawas. Kung mayroon silang 6 na presa, hihingi pa sila ng isa pa upang sabihin saiyo na mayroon silang 7. Kung mayroon silang 5 kraker at kinain nila ang dalawa, maaari nilang sabihin na, “Ngayon ay mayroon akong tatlo. Kapag kinain ko ang dalawa pa, mayroon na lang akong isang natitira!” Minsan kinakailangan nila na bilangin muli ang bagong grupo upang kumpirmahin kung ilan ang mayroon.
- Maaari silang mag-isip ng dalawang maliit na grupo upang gawing mas malaking grupo kapag pinagsama. “Mayroon akong 3 bangka at ikaw ay may 3 bangka. Kapag inilagay natin lahat sa tubig, magiging 6 na bangka.” Iniisip din nila na ang mas malaking grupo ay magiging maliit kapag hinati sa dalawang grupo. “May apat na cookies. Ito ay nangangahulugan na 2 saiyo at 2 para saakin.”
Mga tip para sa mga magulang upang tulungan ang kanilang mga anak na maunawaan ang bilang (46-60 minuto):
Marami mga bagay na ginagawa ng mga magulang ay likas na nakatutulong sa mga bata upang malinang ang kanilang kakayahan sa matematika at pagbilang. Maraming mga pagkakataon sa ating pang araw araw na buhay kung saan ang mga matatanda ay nagbibilang ng mga bagay at ang mga bata ay nagsasanay magbilang habang naglalaro. Narito ang ilang mga mungkahi sa mga bagay na maaaring gawin ng mga magulang:
- Basahin ng malakas, upang marinig ng mga bata ang pagkakasunod-sunod ng mga bilang at malaman kung gaano mo kadalas gamitin ang pagbibilang sa isang araw.
- Bilangin ang mga halik na ibinigay mo sa iyong anak, bilangin ang mga puno sa labas ng iyong bahay, o bilangin ang kung ilang beses kumahol ang aso.
- Ituro ang mga bagay habang binibilang ang mga iyon upang makita ng mga bata kung paano ang bawat isang bilang na iyong sinasabi ay kumakatawan sa isang bagay.
- Ang pamimili, pagluluto at pagkain ay nagbibigay ng maraming pagkakataon para magbilang:
- “Pwede ba tayong kumuha ng 4 na mansanas o 5? Maaari mo bang bilangin ang mga iyon saakin habang inilalagay ang mga iyon sa supot?”
- “Kapag kumuha tayo ng 3 dilaw na mansanas at 3 pula, mayroon tayong ilan? Bilangin natin ang mga iyon.”
- “Sa tingin ko kailangan nating kumuha ng mas malaking bag ng tortillas, dahil lahat ng ating pinsan ay dadating para maghapunan. Pwede mo bang abutin ang mas malaki para saakin?”
- “Mayroon tayong 3 supot ng groseri. Sa tingin mo ba kakasya lahat sa kotse ang mga iyon?”
- “Ilang supot ang gusto mong bitbitin at ilan ang dapat kong dalhin?”
- “Pagkatapos natin hugasan ang ating kamay pwede mo bang kunin ang 5 tortillas sa supot para saakin?
- “Kailangan ko ng 4 na hinugasang patatas. Pwede mo bang kunin sa akin ang mga iyon at kuskusin sa lababo?”
- Maaari mo bang kunin ang plato at ilagay sa mesa? Ilang tao ang mayroon sa ating pamilya? Maaari mo rin bang tiyakin na may sapat na upuan para sa bawat isa?”
- Tanungin ang iyong anak upang ipagpalagay o hulaan kung ilang mga bagay ang mayroon at pagkatapos ay bilangan sila ng magkakasama.Ang paghula, kahit pa mali ang hula ng mga bata, ay nagbibigay sa kanila ng pagkakataon na mag-isip tungkol sa mga numero at magpapalaki ng kanilang interes sa pagbibilang.
- “Ilang mga bus ang dadaan bago dumating ang ating bus dito?”
- “Ilang presa sa tingin mo ang mayroon sa basket na ito?”
- Maaari mong tanungin ang iyong anak ng pagdadagdag at pagbabawas na mga tanong.
- “Kung ikaw ay may limang cookie at kinain mo ang dalawa, ilan na lang ang natitira sayo?”
- “Kung mayroon kang apat na pera at Binigyan kita ng isa pa, ilan na ang mayroon ka?”
- Ang mga maliliit na larong ito ay maaaring gawin sa aktuwal na bagay upang ang makita ng iyong anak ang mga bagay. Sa oras na sila ay sanay na sa mga tanong na ito gamit ang mga bagay, maaari mong subukang tanungin nang walang mga bagay.
- Maaari mo ring hikayatin ang iyong anak na magtanong ng mga may bilang na tanong.
- Maraming magiging pagkakamali ang mga bata kapag nag-aaral sila ng tungkol sa bilang. Kahit hindi sinasabi na sila ay “mali,” maaari mong mahinahon na imungkahi na bilangin natin muli. O maaari mong sabihin na, “Binilang mo ay limang pato at apat lamang ang nakita ko.”
- Ang mga pag-uusap na ito ay nakakatuwa. Kung sa tingin mo ay pagod ang iyong anak o hindi gusto ng mga ganitong laro, maaari mong hintayin at subukan muli o subukan ang ibang laro.Karamihan ng mga bata ay likas na interesado sa mga numero. Ang pagkakaroon ng mga aktibidad tungkol sa mga numero ay nagpapalakas ng kanilang likas na interes at humihimok sa kanilang lalo pang matuto ng tungkol sa mga numero.
PAGLAKI NG PANGANGATAWAN
48 BUWAN (4 TAON) HANGGANG 60 BUWAN (5 TAON)
Paano nagiging mahusay ang mga bata sa paggalaw ng kanilang mga katawan?
- I-download ang PDF na bersyon ng sungguniang naipi-print na ito
- Pakinggan ang audio file na ito para mapakinggan ang tungkol sa mga halimbawa ng paano nagiging mahusay ang mga bata sa paggalaw ng kanilang mga katawan para sa lahat ng edad 48 buwan (4 taon) hanggang 60 buwan (5 taon) kasunod ng talakayan ng grupo ng magulang
- Panoorin ang video file na ito para mapanood ang mga halimbawa ng paano nagiging mahusay ang mga bata sa paggalaw ng kanilang mga katawan para sa lahat ng edad 48 buwan (4 taon) hanggang 60 buwan (5 taon) kasunod ng talakayan ng grupo ng magulang
Panimula sa Pisikal na Pag-unlad
- Ang pasikila na pag-unlad at pisikal na aktibidad ay gumaganap sa mahalagang papel sa kalusugan sa kalusugan sa buong buhay ng bata, lalo na ang pagiging aktibong pisikal ay nagpoprotekta laban sa sakit sa puso,dyabetis, at labis na katabaan. Nakatutulong din ito sa kalusugang pangkaisipan, kasiyahan at sikolohikal na kagalingan.
- Ang kakayahan sa pisikal na pagkilos ay batayan sa ibang mga uri ng kaalaman at nagpapahintulot sa oportunidad para sa mga bata na makisalamuha sa iba, upang magsiyasat, upang matuto, at upang maglaro .
- Inihahanda ng pisikal na aktibidad ang mga bata mga sa mga aktibidad sa susunod na buhay kabilang ang mga aktibidad sa kalakasan ng katawan, organisadong mga palaro, at libangan.
- Ang mga sanggol, paslit at mga batang preschool ay handa ng umunlad at napaka-masigasig upang matuto ng mga kakayahan sa bagong gawain. Ang preschool na panahon ay panahon ng pagkakataon para sa mga paslit na matuto ng pangunahing kakayahan sa pagkilos. Kapag hindi natuto ang mga bata ng mga kasanayang iyon sa oras ng preschool na panahon, maaari silang mahirapang matuto sa susunod, at ang kanilang kakayahan na makibahagi sa pisikal na mga aktibidad ay maaaring maapektuhan ng pangmatagalan.
- Sa mga taon ng preschool, nalilinang ang mga kasanayan sa mahalagang pagkilos ng mga bata. Ang mga kakayahang iyon ay nagtatag sa pisikal na pag-unlad na naganap sa mga bata noong sila ay sanggol at paslit pa sila.
- Alam natin kung gaano natututo ang mga bata sa pamamagitan ng pisikal na aktibidad sa labas likas na mundo. Mahalagang tulungan ng matatanda ang mga bata na magkaroon ng pagkakataon para sa ganitong uri ng paglalaro, dahil ang mga bata ay naglalaan karamihan ng kanilang oras sa harap ng telebisyon o screen ng computer sa halip na magsagawa ng pisikal na aktibidad.
- Mas maraming karanasan ang mga bata sa mga pisikal na aktibidad, mas malaking tiwala ang nalilinang at mas handa silang subukan ang mga bagay at linangin ang bagong kakayahan. Ang mga bata na naglalaan ng maraming oras sa harap ng telebisyon o computer ay maaaring maging hindi handa upang subukan ang mga pisikal na pagsubok at maaaring makaligtaan ang pagkakataon upang malinang ang mahalagang kakayahang pisikal.
- Binibigyang diin ng pananaliksik ang mga benepisyo ng karanasan sa kalikasan para sa mga bata at nagpapakita na mas gusto ng mga bata na maglaan ng oras sa likas na ayos. Higit pa dito, alam natin an ang paggamit ng luntuin, mga espasyo sa labas ay nakapagpapabuti sa kakayahan ng mga bata na mag-isip at ang kanilang kagalingan at kaugnayan.
Paglaki ng Pangangatawan
Panimula
Ilan sa mga bagay na maaari mong makita sa apat na taon na mga bata:
- Nagpapakita ng maunlad na kakayahan sa pagbabalanse.
- Pagpapanatili ng pagbalanse habang nakatayo gamit ang isang paa sa ilang segundo.
- Pagpapanatili ng balanse kapag tumigil sila pagkatapos tumakbo.
- Pagbabalanse ng bean bag sa ibabaw ng kanyang ulo.
- Paglakad ng pasulong at paurong “pagbabalanse” sa malawak na linyang disenyo sa alpombra.
- Paglakad sa paliku-likong disenyo ng alpombra.
- Pagbaba sa mga baitang gamit ang nagpapalitang paa nang hindi humahawak sa rehas.
- Pagbabalanse habang naglalakad sa kanto ng kahon ng buhangin.
- Paglalaro ng “pagtingil” –paggalaw sa iba’t ibang paraan at pagtigil, pagtigil sa huling posisyon ng ilang segundo.
- Pagbalanse sa bean bag sa ulo o ibang bahagi ng bahay habang lumalakad sa tuwid na linya.
- Pagtakbo at paghinto na may kontrol sa napiling lugar.
- Pagtakbo nang maikli gamit ang mga daliri sa paa.
- Pagtakbo, minsan pagkilos sa palibot ng harang nang hindi nahuhulog.
- Pagtalon sa bloke gamit ang parehong paa/
- Paglundag ng pasulong 3 talampakan gamit ang parehong magkadikit na paa.
- Pag-eskape (pagtakbo, nauuna ang isang paa) sa magkatugmang paraan.
- Paglundag gamit ang isang paa ng ilang talampakan at pagpapalit ng direksyon upang lumapat sa iba’t ibang target.
Mga tip sa mga magulang upang tulungan ang mga preschool sa pisikal na pag-unlad:
- Kailangan ng mga preschool ng maraming pagkakataon upang kumilos, tumakbo, umakyat, lumundag, bumuo at maghagis. Natutuwa silang magdala ng mabibigat na mga bagay at pagbuo ng mga bloke at ibang karaniwang mga bagay.
- Gustong gusto ng mga preschool ang mga bagay. Gusto nilang magdala ng mga bagay at itulak ang mga bagay sa mga kariton, kahon o trak. Natutuwa din silang magdala ng mga bagay, kaya ang mga basket o pitaka na may hawakan ay maaari nilang gamitin upang punuin at dalhin –niresiklong mga bote ng tubig, o iba pang mga bagay na nakikita nila.
- Gustong gusto ng mga preschool na bumuo, magsalansan ng mga bagay na mataas hangga’t kaya nila at gumawa ng mga bahay, kalsada, gusali, zoo, tindahan, tulay at iba pang mga estruktura na magagamit nila sa larong pagkukunwari.
- Gagawin nila ang ito sa halos lahat na nakikita nila—mga lata at kahon mula sa platera, patpat at mga dahon mula sa labas, maliliit na piraso ng kahoy mula sa tindahan ng tabla, ilang malalaking kahon ng karton o hanay ng mga bloke sa pagtatayo o saklutin ng magkakasama ang mga bloke.
- Gustong-gusto din ng mga preschool na umakyat, at ang ilan ay aakyat sa anumang makita nila (mga silya, mesa, estante, sopa, upuan).
- Magdesisyon kung ano ang ligtas para sa iyong anak upang akyatin at paalalahan sila na umakyat sa mga bagay na iyon kapag nagsimula silang umakyat sa ibang bagay
- Gumamit din ng mga banig, unan at sahig para sa mga bata upang akyatan at gamitin sa pagbuo ng muog.
- Ang mga palaruan sa labas ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga bata na umakyat, dahil may mga karaniwang troso, malaking bato, at burol. Masisiyasat mo at ng iyang anak ang iyong kapaligiran para sa angkop na mga lugar sa pag-akyat.
- Minsan ay mahuhulog ang mga bata kapag umaakyat sila, at kadalasan ay nasasambot nila ang kanilang sarili at nagkakaroon lamang ng maliliit na gasgas. Ang mga simpleng pagkahulog na ito ay upang matuto din. Kadalasan ay nais nilang bumalik sa parehong lugar upang subukan na umakyat muli at gagawin ng matagumpay dahil natuto sila sa nakaraan.
- Kapag nagsimula ang iyong anak na umakyat, mahalaga na tingnan mo ang paligid upang makita kung ligtas ang kapaligiran.
- Natutuwa ang mga preschool na pumunta sa labas. Kahit na ang maikling paglalakad ay nagbibigay sa mga bata ng pagkakataon upang subukan ang iba’t ibang lugar para sa paglalakad, pagtakbo, pag-eskape, paglundag at pagtalon, at upang tingnan ang panahon at maranasan ang iniaalok ng komunidad.Ang mga bata ay laging nagpapagod sa kanilang paglalaro. Ang karamihan sa kanila ay likas na may motibasyon para subukan ang mga bagong pisikal na mga paghamon at magsanay ng mga bagong kakayahan.
- Natutuwa ang mga preschool sa mga pagsubok. Kung ikaw ay maglalakad sa bangketa, maaari kang magplano ng iba’t ibang layunin para sa kanya. Kaya mo bang tumakbo papunta sa malaking puno? Kaya mo bang lumundag papunta sa sulok? Kaya mo bang lumundag ng 3 hakbang at lumakad ng tatlong hakbang at lumundag muli ng 3? Pwede ba nating subukan na maglakad patikod ng mga ilang hakbang? Kaya mo bang maglakad sa linya patungo sa sentro ng bangketa?
- Ang mga bata sa edad na ito ay natutuwa din ang maghagis. Maaari kang magbigay ng iba’t ibang malalambot na bola na maaari nilang ihagis. Magiging interesado din sa sila sa simula na paluin ang mga bola ng mga bagay tulad ng pamalo, patpat, at tubong karton.
- Gusto din ng mga preschool na banatin ang kanilang mga kalamnan sa pamamagitan ng pagdadala o paggalaw sa mga mabibigat na bagay. Ang selyadong bote o kahon ng sabong panlaba ay nakatutuwa para sa kanila na galawin. Natutuwa sila na magdala ng maliliit na bangketo sa paligid upang abutin ang aklat mula sa estante. Makatutulong din sil na tanggalin ang basura o itulak ang sisidlan ng labada sa mesa para tiklupin.Ang pagtulong sa iyo sa mga “pang-matandang” gawain ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga bata na gumaling sa mga kakayahang pisikal at para linangin din ang kanilang emosyonal at kakayahang makitungo sa iba sa labas.
- Ang mga batang may edad 5 na taon ay gustong-gusto ang mga laruang may gulong, maliliit na traysikel at bisikleta, kariton, karitela at trak, na lahat ay nagbibigay ng paraan upang gamitin nila ang kanilang pisikal na kakayahan at maging bahagi din ng kanilang kunwaring paglalaro.
MGA PARAAN NG PAG-AARAL
48 BUWAN (4 TAON) HANGGANG 60 BUWAN (5 TAON)
Anong mga kakayahan ang tumutulong sa mga batang matuto?
- I-download ang PDF na bersyon ng sungguniang naipi-print na ito
- Pakinggan ang audio file na ito para mapakinggan ang tungkol sa mga halimbawa ng paano natututo ang mga bata na ituon ang pansin sa mga tao at bagay para sa lahat ng edad 48 buwan (4 taon) hanggang 60 buwan (5 taon) kasunod ng talakayan ng grupo ng magulang
- Panoorin ang video file na ito para ma panood ang mga halimbawa ng anong mga kakayahan ng pangangatwiran ang natututunan ng mga bata para sa lahat ng edad 48 buwan (4 taon) hanggang 60 buwan (5 taon) kasunod ng talakayan ng grupo ng magulang
Panimula ng Mga Paraan sa Pagkakatuto
Ang mga bata ay nakakakuha ng maraming kakayahan na tumutulong sa kanila na matuto at lumutas ng mga problema. Kabilang sa mga kakayahang ito ay ang kakayahan na makapagtuon ng pansin, kahit pa may mga pang-agaw ng pansin, upang magmasid, upang magtanong, upang kumalap ng mga impormasyon at tumuklas ng iba’t-ibang paraan upang lumutas ng mga problema. Ang mga kakayahang ito ay tinatawag na paraan ng pagkakatuto.
Ang mga bata ay natututo na gumamit ng mga konsepto ng matematika tulad ng mga numero, hugis, at laki kapag lumulutas ng mga problema. Ginagamit nila ang lahat ng kanilang pandamdam upang kumalap ng mga impormasyon, punahin ang mga kaibahan at pagkakapareho, at madalas ay naghahambing. Marahan nilang pinagmamasdan ang mga tao at mga bagay at bumubo ng palagay o hypotheses at gumagawa ng prediksyon base sa kanilang mga pagmamasid. Sila din ay gumagawa ng mga simpleng eksperimento at tinatantiya ang kalalabasan ng kanilang mga eksperimento.
Ang mga bata ay natural na mausisa. Maaaring himukin ng mga matatanda ang pagiging mausisa ng mga bata at pagkukusa sa pagtanong sa mga bata ng mga tanong na maaari nilang sagutin nang mahaba at di lang isang salita, ang pagtugon agad sa kanilang mga katanungan, at sa pagbigay ng maraming uri ng mga materyal para tumuklas. Ang mga naturang suporta ang nagpapalakas ng lumalalim ng kumpiyensa ng mga bata bilang nag-aaral at pagkusa na ipagpatuloy ang paglutas ng nakakahamon na mga problema.
Mga Paraan ng Pag-aaral
Panimula
Na may edad preschool ang ginagamit upang lutasin ang mga problema?
- Isang kakayahan na ginagamit ng batang preschool araw-araw ay ang matematikong pangangatwiran.
- Ang mga konsepto ng bilang, pagbibilang, hugis at sukat ay nakatutulong lahat sa mga bata na lutasin ang mga problema. Ginagamit ng mga bata ang mga kakayahang ito upang pumili kung anong sukat ng plato ang kakailanganin nila para sa kanilang quesadilla, upang alamin kung ilang mga awto ang kailangan nila upang ang bawat kaibigan niya ay mayroon at upang maghanap ng malaking kumot na sapat upang kumutan ang dalawang sanggol.
- Ang batang preschool ay maaaring magsimula sa pamamagitan ng pagsubok sa ideya na hindi gumagana. Ang mas may edad na batang preschool ay maaaring sumubok ng maraming mga estratehiya, sa katapusan ay hahanapin ang ilan na gumagana. Hindi mahalaga kung gumana man o hindi ang kanilang ideya sa una hangga’t nagsasanay sila gamit ang kanilang mga ideya, subukan ang mga iyon at palitan ang kanilang paraan sa paggawa kung kinakailangan. Ang mga estratehiyang ito ay kapaki-pakinabang sa pang araw-araw na paglutas sa problema. Gayundin sa pagpapaunlad ng kanilang kakayahan sa matematika.
- Ang mga bata ay gumagamit din kakayahang obserbasyon at imbestigasyon upang lutasin ang mga problema.
- Ginagamit ng mga bata ang lahat ng kanilang mga pandama upang kumalap ng impormasyon, at bumuo ng kahulugan at kaalaman.
- Sila ay likas na mausisang nagmamatyag at pinapansin ang maliliit na bagay na hindi napapansin ng matatanda, tulad ng mga langgam na lumalabas sa siwang ng bangketa.
- Maaari ring gamitin ng mga bata ang mga kagamitan na ibinigay sa kanila para magsukat o magmasid, na may gabay ng matatanda. Halimbawa, kapag inoobserbahan ang dahon, maaari silang gumamit ng magnifying glass upang makita ang “mga linya” nang mas malinaw o gumamit ng ruler ( o blokeng yunit) upang sukatin ang haba nito. Sa pamamagitan ng pagmamasid, ang mga bata ay nagsisimulang kumilala at ilarawan ang mga pagkakahawig at pagkakaiba sa pagitan ng isang bagay at sa iba.
- Ginagamit ng mga bata ang kanilang umuunlad na kakayahan sa maingat na pagmamasid upang ikumpara at sabihin ang pagkakaiba ang mga bagay at mga pangyayari at iuri sila batay sa iba’t ibang mga katangian. Halimbawa, maaaring ihiwalay ng bata ang lahat ng “matutulis” na dahon mula sa lahat ng pabilog na dahon o ihiwalay ang malalaking dahon mula sa maliliit.
- Maaari ring imbestigahan ng mga bata ang mga bagay at pangyayari sa pamamagitan ng pagsubok sa mga bagay upang makita kung ano ang mangyayari. Halimbawa, maaari silang mag-imbestiga kung ano ang mangyayari sa laruang awto kapag ito ay umandar pababa sa baku-bako o makinis na ibabaw, subukan ang kanilang mga ideya kung paano gamitin ang mga tubo upang umakyat pataas at bumaba ang tubig sa imbakan ng tubig.
- Natututo sila na hulaan ang mga pagbabago sa mga materyal at bagay batay sa kanilang kaalaman o karanasan at upang subukan ang kanilang mga hula sa pamamagitan ng mga obserbasyon o simpleng eksperimento.
- Ginagamit ng mga bata ang kanilang mga kakayahan sa obserbasyon at imbestigasyon upang magtanong, magmasid at ilarawan ang obserbasyon, gumagamit ng siyentipikong mga kagamitan, paghambingin at pag-ibahin, humula at kilalanin.
Ang mga bata ay gumagamit ng pinahabang matematikong pag-iisip upang lutasin ang mga katanungan araw-araw. Halimbawa:
- Pagkatapos maupo ng bata sa mesa para maghapunan, mapapansin na walang sapat na upuan para sa bawat isa at magdadala ng karagdagang bangkito.
- Maaaring gumamit ang bata ng isa pang bagay upang sukatin ang iba. Halimbawa, maaari niyang ipatong ang aklat upang sukatin dulo sa dulo kung gaano kahaba ang kanyang higaan.
- Maaaring hulaan ng bata kung ilan ang mga ubas sa bungkos at pagkatapos ay imumungkahi na bibilangin niyo ito ng magkasama upang malaman.
- Maaaring gumawa ang bata ng kalsada na may mga mahahabang bloke, at kung hindi na siya makahanap ng mahabang bloke, maaaring gumamit ng dalawang mas maliit na bloke upang “punan” ang mas mahabang bloke.
- Maaaring abisuhan ng bata ang mga kaibigan kapag gumugupit ng perang papel upang gamitin sa “tindahan ng groseri”, Kailangan kong gumupit ng dalawa pang dolyar para kay Ziya at Dylan.
- Maaaring iayos ng bata ang kanyang mga laruang hayop sa dalawang grupo, malalaking hayop at maliliit na hayop, at pagkatapos ay kumuha ng malalaking dahon para sa malalaki at maliliit na dahon para sa mas maliliit upang kainin.
Inilalarawan ng mga bata ang pagiging mausisa at nadagdagang kakayahan upang magtanong tungkol sa mga bagay at pangyayari sa kanilang kapaligiran.
- Kapag naglalaro ng awto ang bata, maaaring gumamit ng board upang lumikha ng padalisdis na rampa at pagulungin ang iba’t ibang mga awtong laruan pababa sa rampa. Maaari niyang suriin ang sasakyan ng mas malayo kapag gumulong pababa sa rampa.
- Habang naghuhukay ang bata sa putik, maaaring makakita ng bulate at magtaka, “Nakatira ba ito sa lupa? Nakakita pa ako ng isa pa. Ito ba ang tahanan nila?”
- Habang nasa labas ang bata, maaaring tumingala at tanungin ang magulang, “Bakit hindi ko nakikita ang buwan kapag araw?”
- Habang inaayos ng bata ang iba’t ibang bato, maaaring kumuha ng isang bato at hugasan ito ng tubig at sabon. Pagkatapos ay maaari siyang kumuha ng magnifying glass upang obserbahan ng mas malapit.
Ang mga bata ay nagmamasid sa mga bagay at pangyayari sa kapaligiran at inilalarawan sa mas malawak na detalye.
- Maaaring obserbahan ng bata ang kamote na tumutubo sa garapon at tukuyin ang mga talbos at dahon.” Maaaring kumuha ng larawan kamote ang bata, sa tulong ng guro, upang idokumento ang paglago ng kamote.
- Pagkatapos maglakad ng bata sa tag-ulan, maaaring ilarawan kung ano ang hitsura at ano ang nararamdaman niya, narinig, naamoy at nalasahan.
- Maaaring gamitin ng batang may kapansanan sa paningin ang mga kabibi sa mesa ng buhangin at ilarawan kung ano ang kanyang nahahawakan” “Ito ay maumbok at pabilog,” o “Ito ay makinis at lapad.”
- Ang batang nagmamasid nang mabuti sa kuhol ay maaaring ilarawan ito: “Matigas ito na parang bato. Ang katawan nito ay parang nakapalambot. Napakabagal nitong gumalaw. Mayroon itong dalawang matulis na bagay (sungot) na nakausli.”
- Maaaring obserbahan ng bata ang uod (o ang larawan ng uod) nang mabuti at gumuhit ng larawan sa kanyang talaarawan. Pagkatapos ay maaari niyang sabihin na. “Ito ay may mga guhit – dilaw, puti at itim – parang disenyo.”
Maaaring tukuyin ng bata at gamitin ang mas malawak na uri ng obserbasyon at mga kagamitang pansukat, tulad ng pagsukat ng medida at timbangan.
- Maaaring humingi ang bata ng magnifying glass upang obserbahan ang uod nang mas malapit at sabihin, “Kailangan ko ng magnifying glass upang tingnan nang mas malapit.”
- Ang batang natuwa sa paglago ng kanyang sitaw, ay maaaring kumuha ng ruler at sabihin sa kanyang magulang, “Gusto kong malaman kung gaano ito kalaki.”
- Habang naghahanda ng masa ang bata, maaaring gumamit ng tasang panukat upang magtakal ng isang tasa ng harina.
- Habang nagtatayo ang bata, ang salansan ng mga bloke ay kasing taas niya at bibilangin ang mga bloke upang sukatin ang kanyang taas.
Ikinukumpara ng mga bata ang mga bagay at pangyayari at inilalarawan ang pagkakatulad at pagkakaiba sa mas malawak na detalye.
- Maaaring obserbahan ng bata na ang mga halaman na kanyang dinidilig ay “mas malaki, at ang mga dahon ay berde, ngunit ang isa na hindi nadidilig ay may mga dilaw na dahon at mukhang lanta.”
- Maaaring suriin ng bata ang iba’t ibang uri ng kalabasa sa pamamagitan ng paggamit ng paningin, pandama at ilarawan ang kanilang pagkakahambing at pagkakaiba: “Ang mga ito ay mas pabilog, ngunit ito ay mahaba. Ang kalabasang ito ay dilaw at berde at napakakinis, ngunit ang isang iyon ay parang maumbok.”
- Maaaring ikumpara ng bata ang mga bagay na maaaring pagulungin sa rampa (hal. bola, marmol, mga may gulong na laruan, lata) na may mga bagay na hindi gumugulong (pala, bloke, aklat). Halimbawa, maaari niyang tukuyin ang mga bagay na gumugulong at sasabihin, “Ang mga ito ay pabilog at may mga gulong.”
- Maaaring ikumpara ng bata ang paru-paro sa uod (habang pinagmamasdan ang mga larawan at aktuwal na mga bagay); halimbawa, maaari niyang sabihin na ang paru-paro ay nakakalipad at ang uod ay hindi at ang paru-paro ay may iba’t ibang hugis at iba’t ibang kulay.
- Maaaring magmasid ang bata at ilarawan kung ano ang hitsura ng ulap tulad sa mahamog na araw at paano ito naiiba sa mainit na araw.
- Kapag nagtatrabaho ang bata sa hardin, maaaring gumamit ng tunay na pala at ilarawan kung paano ito katulad sa o naiiba mula sa palang laruan sa kahong buhanginan.
Maaaring ilarawan ng bata ang nadagdagang kakayahan upang hulaan at suriin ang mga iyon.
- Pagkatapos magtanim ng buto ng sunflower, maaaring sabihin ng bata na, “Ang mga butong ito ay tutubo, at magkakaroon ng mga sunflower.” Pagkatapos, maaari niyang obserbahan ang halaman araw-araw para sa pagbabago.
- Ang bata, bilang sagot sa tanong, “Ano sa palagay mo ang mangyayari kapag ang tubig ay idinagdag sa harina?” maaaring hulaan, “Ang harina ay magiging malagkit at hindi na magiging mukhang harina. Ang tubig at harina ay maghahalo.”
- Maaaring biyakin ng bata ang kamatis, obserbahan kung ano ang hitsura nito sa loob, at magkumento, “Akala ko ay walang mga buto sa loob ng kamatis, ngunit ngayon nakikita ko ang maliliit na buto sa loob.”
- Maaaring magdala ng bata ng bagay sa bath tub at hulaan kung ito ay lulubog o lulutang. Pagkatapos ay maaari niyang ilagay ang bagay sa tubig at obserbahan kung ano ang mangyayari. Pagkatapos maaari niyang sabihin sa kanyang magulang, “Oo, Alam ko na ‘to! Ito ay lumulutang.”
Nadagdagan ang kakayahan ng mga bata upang gamitin ang obserbasyon upang magbigay ng konklusyon.
- Maaaring obserbahan ng bata ang iba’t ibang prutas at gulay at sabihin na ang mga prutas ay may mga buto at ang mga gulay ay wala.
- Matapos obserbahan ng bata ang mga laruang awto na bumaba sa rampa, maaring ipagpalagay na bumaba sila ng mas mabilis kapag ang rampa ay mas matarik.
- Maaaring obserbahan ng bata ang larawan ng hindi kilalang hayop. Pagkatapos ay maaari niyang mapansin ang mga pakpak at sabihin, “Ito ay ibon. Alam ko ito, dahil may mga pakpak ito.”
- Maaaring obserbahan ng bata ang larawan ng batang nakasuot ng dyaket, bandana, guwantes, at sombrero at sabihin na marahil ay napakalamig sa labas.
Mga tip para sa pamilya na tulungan ang mga bata upang sanayin ang matematikong pag-iisip, upang maging mapagmasid, at upang makibahagi sa imbestigasyon:
- Mag-alok ng walang limitasyon na mga materyal upang laruin ng mga bata, kabilang ang mga bloke, awto, kabibi, bato, mga hayop na laruan, maliliit at malalaking kahon na cardboard.Ang mga open-ended na materyales ay nagbibigay sa mga bata ng pagkakataon lumikha ng kanilang sariling laro, gamitin ang kanilang imahinasyon, at maging batang may matibasyon sa sarili na matuto.
- Isali ang mga bata sa mga gawaing bahay tulad ng pagluluto, pag-aayos ng mesa, pagsasampay ng nilabhan, at paghahardin. Tanungin ang iyong anak upang masagot ang mga katanungan, halimbawa,Gustong-gusto ng mga bata na lumutas ng mga “tunay” na problema. Ito ay sumusubok ng kanilang kakayahang mag-isip at nagbibigay sa kanila ng pagkakataong maramdaman na sila’y mahalagang miyembro ng pamilya.
- ” May mga kasama tayo ngayong gabi, ang lola, si poppy at tiyo Stu. Ilang mga plato, tinidor, baso at napkin ang kailangan natin sa mesa upang magkaroon ng lugar ang bawat isa sa atin?”
- “Maaari mo ba akong tulungan na ilagay ang lahat ng matitingkad na kulay ng damit sa basket na ito at ang madidilim na kulay sa basket na ito?”
- “Kailangan natin ng dalawang mansanas, apat na kiwi at isang kahel para sa ating ensaladang prutas. Ilan lahat na piraso ng prutas ang mayroon tayo?”
- ” Mayroon tayong 8 puno ng kamatis, at ilalagay natin sila sa dalawang hanay. Paano natin sila iaayos sa lupa upang magkaroon ng parehong bilang ng halaman sa bawat hanay?”
- Magmungkahi ng simpleng gawain sa pagsusukat para sa iyong anak, halimbawa; “Kapag inihanay natin ang mga maliliit na batong ito, ilan sa palagay mo ang magagamit upang makarating sa bangketa?”
- Mag-alok ng mga kagamitang pansukat tulad ng mga ruler, maliliit na timbangan o tasang panukat sa mga bata at magtrabaho kasama nila upang matuto kung paano gamitin ang mga iyon.
- “Kailangan natin ng dalawang tasa ng harina. Ito ang tasang panukat, maaari mo ba akong tulungan na punuin ito nang hanggang 2 beses at ilagay ang harina sa mangkok na ito?”
- ” Si tiyo Stu ay napakataas. Maaari ba nating gamitin ang medida upang malaman kung gaano siya kataas?”
- “Sa iyong palagay, alin ang mas mabigat, itong isang bato o ang 5 dahon na ito? Ilagay natin sila sa balanseng timbangan upang makita.”
- Kapag namimili ka sa groseri, humingi ng tulong sa iyong anak.
- “Maaari ka bang kumuha ng 6 na saging?”
- “Ilang patatas sa tingin mo ang kakasya sa bag na ito? Maaari ba nating bilangin ang mga iyon?”
- “Kakain tayo ng melokoton para sa panghimagas ngayong gabi, at maaari kang kumain ng isa pauwi sa bahay. Ilang melokoton ang kailangan natin para sa bawat isa sa pamilya upang magkaroon ng isa ngayong gabi, at maaari ka rin` na kumuha ng isa pa ngayon?”
- Kung nasa labas ka o sa liwasan, huminto at magmasid mabuti kung ano ang nasa paligid mo. Obserbahan kung saan interesado ang iyong anak at tanungin upang himukin ang obserbasyon at pagpapasiya.
- “Ah, nakakita ka ng dahon, nasaan ang isa na kapareho ng isang ito? May mga dahon ba na naiiba?”
- ” Nakikita mo ba ang lahat ng bulate? Hindi natin sila nakita kahapon. Sa palagay mo, bakit kaya sila lumabas ngayon?”
- “Saan sa palagay mo nanggaling ang kuhol?”
- “Pinipitas mo ang mga talulot ng bulaklak. Gaano karaming talulot ang mayroon?”